KAI'S POV
"Sige. Yung signal ha pag nandyan na siya."
Nandito kami ngayon sa Park Area ng RiAP. Oo, mas exposed na ako, hindi na sa auditorium. Sa Park na. Haha. And guess what? Nagpatulong ako sa mga kaklase ko para magawa 'to lahat ngayong umaga lang, with the help din pala of Sam. Mwahaha ang galing ko talaga.
Ang cute cute ng ginawa namin dito sa park. Haha parang naging acquaintance party na ewan. Basta maraming pink, kasi favorite ni Coltrane yung pink. :3
At as usual, napakaraming tao. Sabi nila sinusuportahan daw nila ako eh. Um-oo na lang ako, nakatulong na naman sila eh. Hindi na sila yung epal na audience katulad nung sa Auditorium dati. Wahaha yung iba nga kinikilig agad eh. Agad-agad wala pa nga?! Hahaha!
Tapos sa gitna, nilatagan lang namin ng cute na carpet. Tapos sa paligid, ayun maraming balloons na heart-shaped at dumagdag pa sa cuteness yung mga bulaklak dito sa park. Wahaha take note, donation lang 'tong mga 'to ha. Nagtext kasi ako sa kung sino-sino na may plano ako para kay Coltrane tsaka spread the word, kaya ayun, kumalat nga. XD
"Bettina, thank you so much for supporting me on this."
Kausap ko si Bettina, yung Italyanang guitarista ng The Euphonious. Oo, sila nanaman! Sila dun yung bandang kasama ko sa Audi. Buti nga ang bait nila eh, friend na daw ang turing nila sakin!
"We're pleased to help you. We love to help you express your feelings. And besides, we're friends!"
O diba? Sabi sainyo eh. Pero malaki talaga yung banda nila, mga anim ata sila. Pero love song kaya yung ipapatugtog ko, di naman kailangan nun ng bass guitar and etc. kaya bale apat lang sila ngayon. Wala din syempre yung vocalist, ako kakanta eh. ^___^
*May nagteeeeext! May nagteeeeext!*
From: Angie (+63**********)
EAGLE HAS LANDED.
Sinabihan ko na ang lahat na mag-ayos na. Pumunta na ako sa elevated stage at nag-ayos na rin ang mga you know na... Wahaha.
Ayan, nakikita ko na ang isang baklang inaakay ng mga alagad ko papunta sa dance floor. Char haha.
Nagsimula na ang tugtog. Pinikit ko ang mga mata ko para maramdaman ko yung kanta.
" ♫ Everybody needs inspiration
Everybody needs a song
A beautiful melody when the night's so long
'Cause there is no guarantee that this life is easy ♫ "
I opened my eyes and looked directly into his eyes.
" ♫ Yeah, when my world is falling apart
When there's no light to break up the dark
That's when I, I, I look at you
When the waves are flooding the shore
And I can't find my way home anymore
That's when I, I, I look at you ♫ "
Kitang-kita ko nanaman yung paglaki nung mga mata nya. Gustong-gusto ko talagang sapakin siya ngayon sa ginawa niya pero kailangan kong magtimpi. Di pwedeng masira 'tong effort na ginawa ko no! Lalo na't ang dami kong donations. Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
Inlove With That Gay
RomancePaano kung isang araw, mag-sign ka ng isang kontrata na ang pinapagawa sayo ay gawing isang tunay na lalake ang bakla mong bestfriend at i-break ang puso niya at pag nag-fail ka, either magbabayad ka ng tatlong milyon, o MAMAMATAY ka? Eto lang naman...