Chapter 11. Dinner Date.

83 0 0
                                    

KAI'S POV

Tinext ko si Sam na makipag-meet sakin ngayong uwian. Dapat pag-isipan na namin yung mga gagawin niya for Julia, kasi ang laki ng tinulong niya sakin kay Coltrane! *u*

*May nagteeeeeext! May nagteeeext!*

Oops. Message tone yon ng mumurahin kong cellphone. Ayyt nilait ko pa yung cellphone ko, lol.

From: SammyBoy (+63**********)

Bagal mo.

Hahaha ang sungit talaga nito kahit kelan. Pero hindi talaga ako naiinis sa kasungitan niya, which is so rare for me! Tamo nag-English pa ko! Usually maikli lang ang temper ko, pero kapag nakikita ko ang future ni bespren Julia kasama siya, SWAK NA SWAK! Kaya tuwang-tuwa ako kay Sam, yung pangalan niya pa sa contacts ko SammyBoy! Lol.

Naglalakad na ako papunta sa park, dun sa may puno ulit na hiniraman ko siya ng Beats niya at kung saan din namin pinagplanuhan yung gagawin ko kay Coltrane. Oh diba, usual spot na talaga namin 'to ni Sam!

At ayun, nakita ko ang nakabusangot niyang mukha tapos nasa tabi niya yung mga gamit niya.

"Saaaaaaammmyyyyyyyyy!", sigaw ko kahit malayo pa ako kaya napatingin sakin yung mga tao. Sinamaan lalo ako ng tingin ni Sam. Nag-peace lang ako. ^___^V

Umupo ako sa damuhan sa harap niya at nilagay ang bag ko sa lap ko. Naka-Indian seat kami pareho.

"Sinong may sabing pwede mo akong tawaging Sammy?", nandidiri niyang sabi.

"AKO!", natatawa kong sabi habang nakaturo pa sa sarili ko.

Nag-tss lang siya at umirap. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking (technically, tunay na lalaki kasi si Coltrane nairap din) nairap. AT ANG CUTE! HAHA!

Sumandal siya sa puno at humalukipkip. Wow ang taray ng lola mo ha! Pero kahit ganun yung mga ginagawa niya, hindi siya nagmumukhang bakla, kasi ang manly talaga ng mga galaw niya! Ang galing! *O*

"Ano na? Tititigan mo na lang ako?", masungit niyang tanong.

"Onga pala. Ang iniisip ko kasi, magpanggap ka muna bilang si Samantha.", sabi ko.

"What? Ano manliligaw ako bilang babae?"

"Hmm. Parang kukuhanin mo muna yung loob niya bilang si Samantha...."

"Bakit?", meryo naiinis na tanong niya.

"Kasi Sam, napag-alaman ko na.. ano... yung mga manliligaw niya... ano...", di ko matuloy kasi baka magalit. Huhu spare me! TT__TT

"ANO?", commanding na sabi niya with matalim na tingin. (-___-)+ +

"Ano... binasted niya na lahat....", mahinang sabi ko pero for sure eh narinig niya.

"ANO?!", sigaw niya kaya medyo nagulat ako. Sabi ko na nga ba eh. Huhu.

"Hintayin muna nating mag-cool off si bespren sa mga lalaki kaya magpanggap ka muna bilang babae.", wow. Natapos ko talaga yung sentence na yun? Takot na nga ako eh. T-T

Kahit papano eh huminahon naman si Sam pero inis pa rin siya. Malamang ayaw niyang mabasted eh hindi pa nga siya nagsisimula! Haay jusko si bespren kasi masyadong intimidating!

"Kapag hindi 'to effective, sisingilin kita ng doble sa utang mo sakin.", banta niya ng nanlilisik pa yung mata. (+___+)

Doble? Noo, di pwede. Baka maubos yung 200T na downpayment ko! Para kay Tatay yun at sa mga gamot niya eh! T-T

Inlove With That GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon