The Prologue

765 7 1
  • Dedicated kay All IWTG readers. :)
                                    

 INLOVE WITH THAT GAY

   Written by MaknaeMarie. All Rights Reserved. 2013

 

One bent man plus a forgetful woman = tragicomedy

--------------------

PROLOGUE

My golly gosh! Ano ba 'tong gulong pinasukan ko?!

Shux! Ang gusto ko lang naman, matulungan ang tatay ko eh, pero ngayon, pinahamak ko pa ang buhay ko. At bakit sa bestfriend ko pa?!

Maaaring nagtataka kayo (at iniisip na nababaliw na ako), pero sino ba namang hindi mababaliw? Kung hindi ko paninindigan 'to, buhay ko ang kapalit.

Argh! Ang tanga-tanga talaga ni Kaia Melosantos! Siguro nung nagpaulan ng katalinuhan ang Panginoon, nagpayong ako. Eto kasi ang nangyari.

FLASHBACK

"Kaia, alam kong kailangan mo ng pera. Ganito kasimple lang ang gagawin mo, palalagpasin mo ba ang pagkakataon?", sinabi ni Mr. Christopher ng nakataas pa ang isang kilay.

"Sir, kailangan ko po ng pera, pero hindi po ako pulubi.", mariin kong sagot. At tumalikod na ako at nagsimulang maglakad nang. . . .

"Tatlong milyon Kaia, tatlong milyon. Kapalit ng pinapagawa ko sayo.", natigilan ako. Hindi lang yun sapat, sobra pa.  Ano bang dapat kong gawin?!

"Pirmahan mo lang 'to Kaia. At pag nagtagumpay ka, sayo na yun lahat, walang labis, walang kulang.", sinabi ni Mr. Christopher in a seductive tone.

Pipirmahan ko na. Kailangan 'to ng pamilya ko. Bahala na, desidido na ako. May sakit ang papa ko, pag di pa sya nagamot, maaari na syang mawala. Lumapit ako kay Mr. Christopher at inagaw sakanya ang ballpen. Pinirmahan ko ang kontrata. Maaaring nacucurious din kayo, anong nakasulat?

***

                                                      CONTRACT

                                              Thomas-Melosantos

           I, Felice Kaia Melosantos, agree to make Coltrane Thomas a man-in-heart and make him fall in love with me in order to be suited as the heir of the Aevum Restaurant Inc. and eventually break up with him when instructed.

          No one shall ever know about this contract except for the offeror and the signatory or else the defective will face the appropiate punishment.

          In return, Mr. Christopher Thomas shall give me P3,000,000.00 if I succeed. If someone where to violate the above-mentioned rule or fail, I or Mr. Thomas shall pay another P3,000,000.00 before one week. Failure to pay before deadline/failure to accomplish task shall result to death.

Signed by:

 

Felice Kaia Melosantos

 

Christopher Thomas

***

Ayan, napirmahan ko na. . . . Teka lang, ngayon ko lang nabasa 'to. Halos malaglag ang panga ko at nabitawan ko ang ballpen ko ng mabasa ko 'to: failure to accomplish task shall result to death.

Naloko na.

Buburahin ko sana yung pirma ko nang mabilis na kinuha ni Mr. Christopher yung kontrata at ngumiti, the devilish style.

"Ibalik mo yan! Wala sa usapan yan! Madaya kayo!!", halos maiyak na ko.

"Too late Kaia. Now you have no other choice but to do it, kung ayaw mo pang mawala.", tuluyan nang tumulo yung luha ko. Napakasama nya.

Naisahan ako. Its either buhay ng tatay ko. . . . o buhay ko.

Kung pipiliin ko yung isa, mawawala't mawawala ang isa.

Its either, LOVE. . . . . or LIFE?

 

 

x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~x~

 

Copyright © 2013 by MaknaeMarie

ALL RIGHTS RESERVED. No part of these stories may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

Inlove With That GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon