Chapter 8. Courting begins.

80 0 0
                                    

KAI'S POV

"Coltrane Thomas, pwede ka bang ligawan?"

Binigyan ko din siya ng roses na kanina pa nakasingit sa likod ng uniform ko. Wala sa sarili nya yong tinanggap. Kitang-kita ko sa mata nya ang gulat. Sobrang nanlaki ang mga mata nya at hindi siya makapaniwala. Pero hindi ko yun pinansin, dahil hinihintay ko ang sagot niya.

Grabe 'tong love story na 'to no? Mayroong isang bidang babae na tinatanong kung pwede nya bang ligawan ang bakla niyang bestfriend upang makakuha ng pera na makakapagligtas sa tatay niya. Walangyang buhay 'to.

Sa tingin ko mga 30 seconds na siyang napipi kaya nainip na ang napaka-epal kong audience. Pero gusto ko ang sinisigaw nila.

"SAY YES! SAY YES!", paulit-ulit nilang cheer. Ipagpatuloy niya lang yan guys.

"Pwede ba kitang ligawan?", pag-u-ulit ko dahil naiinip na ako, pero hindi ko yun pinahalata. Baka mamaya umayaw pa 'to, nakakahiya naman no.

After a while, bumuntong-hininga siya at yumuko. Natakot ako dahil hindi ito maganda, ayaw niya! Lechugas barabas hestas, lahat ng gastos ko, ang pride na nilunok ko, ang mga utang ko kay Sam, nawalan ng saysay! Oh hindeeee! TT____TT

Halos maiyak na ako nun pero ang ikinabigla ko, bigla na niyang inangat ang mukha niyang nakangiti. Bakit siya nakangiti? Diba kanina gulat na gulat siya? Nanlalaki ang mga mata ko nung tumitig ako sa mga mata niya.

"Yes. Yes you can."

Kahit four words lang yun, lumuwag ang kanina pang mabigat na dibdib ko. Parang nabunutan ako ng 99 pieces na tinik ng isda sa puso ko. Pero hindi pa rin bumibitaw yung isa, konsensya ko yun. Konsensya dahil hindi naman totoo ang mga pinagsasasabi ko, na palabas lang 'to para sa pera. I'm so sorry Coltrane.

Narinig ko ang hiyawan ng mga tao, pero hindi ako natuwa. Dahil yung nag-iisang tinik kanina, parang dumami, lalo na ng maalala ko na nanloloko lang ako, na napakadesperado ko para makakuha ng pera. Na pinagpalit ko ang bestfriend ko sa pera.

Bumalik ako sa realidad nung makita ko sa gilid si Sam. Nagtataka ang mukha niya. Hinde. Masisira ang plano ko kung magpapadala ako sa emosyon ko. Hindi pwede. Kaya ngumiti ako ng pilit pero hindi ko iyong pinahalata at di ko namalayang naguunahan na palang tumulo ang mga luha ko.

"Ang sweet oh!"

"Ang tapang ni Ate! Dapat pala ginawa ko na rin yan kay Coltrane. Huhu."

"Nakakainggit naman. Sayang si Papa C!"

"Tamo oh, tears of joy si Ate."

"Oo nga! Grabeng tears of joy oh! Ang sweeet!"

Hinawakan ni Coltrane ang dalawa kong pisngi at pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga thumb niya. Nakangiti siya sakin. Lalo akong naiyak. Hindi dahil sa tuwa. Naiiyak ako dahil magagawa ko pa lang lokohin ang taong nasa harapan ko.

Niyakap ko si Coltrane ng sobrang higpit. Nagulat siya nung una pero di nagtagal eh tinap nya na rin ang likod ko para patahanin ako. Narinig ko ulit ang hiyawan ng mga tao, pero hindi ko na sila pinansin. Tignan mo nga oh, hindi ko na nasabing epal sila.

"Thank you.", at hinigpitan ko ang yakap ko sakanya. Ewan ko pero naramdaman kong ngumiti siya.

"And sorry.", pabulong kong sabi para hindi niya marinig.

***

Sa awa ng Diyos, nasurvive ko naman ang mga pangungutya sakin ng buong CAMPUS. Oo lahat sila. Pagkatapos na pagkatapos nung ginawa namin, pinapunta na kami lahat sa classroom pero hindi nagpatinag ang audience dahil dinumog nila ako at isa-isang binati ng "Congrats." Yung iba nga binantaan pa ako na aagawin daw nila si Coltrane sakin. Ang sakit ng panga ko nun kakangiti eh.

Inlove With That GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon