JULIA'S POV
(a/n: Celebrate for Julia's debut POV! *u*)
Grabe nagulat talaga ako dun sa biglaang panliligaw ni Kai.
Parang never niya naman nakwento sakin na may lihim na pagtingin pala siya kay bakla? Eh lagi nga niyang inaaway yun eh.
Pero bilang bestfriend, susuportahan ko siya. Okay, alam kong unli, pero nagulantang talaga ako. At hindi ako makaget-over.
Ikaw ba naman, pagpunta mo sa Auditorium, bigla na lang inannounce ng bestfriend mo na manliligaw siya sa besty naming bakla?! At siya manliligaw? Ni hindi ko nga naimagine yun eh!
Oh well. Wala na rin namang magbabago kahit i-explain ko pa kung gaano ako nagulat. Pero number one na usap-usapan na kaya yung ginawa ni Kai! At alam nyo ba, nasa front page sila ng Lumière, ang official newspaper ng RiAP! GRABE!
'Scholar Kaia Melosantos, inlove with that gay?'
Yan yung headline! Tapos sa baba, may napakalaking picture. Magkaharap sila ni Cori-- err Coltrane dun at yun yung binigyan niya ng flowers si Coltrane!! NAKAKALOKA!
Ayan tuloy, ang daming bumili ng newspaper! Aba pasalamat ang staffers kay Kai at lumalakas ang benta nila! Hahaha!
Pati tuloy ako napabili. At hawak-hawak ko yun habang naglalakad papunta sa usual spot namin nila Kai, isang outside table sa harap ng isang milktea shop sa Food District. Bon AppeTEA ang pangalan ng shop. Ang cute.
Humahagikhik ako habang binabasa yung article nila. Never kong napanaginipan na mapupunta ang mga bespren ko sa front page, pero ngayon, reality na siya agad!
"....The audience literally was bewildered when the (campus hearthrob but apparently is) gay, Coltrane Thomas, appeared on the doors of the auditorium...."
Sa bagay pogi talaga si Coltrane. Buti naman at naglakas-loob si Kai! Sayang ang lahi ni Coltrane 'no! Kung di yun bakla for sure nahalay na yun ng mga malalandi dito.
Nilabas ko yung cellphone ko at nagtext sa famous, yeah famous kong bestfriend. Luul.
To: BFFKai (+63**********)
Congratulations Best! So proud! ♥
Hahaha! Eh sa proud ako sa bespren ko eh! Pero itetext ko rin ba si bakla? Hindi ko alam. Icocongrats ko rin ba siya?
Nagdecide ako na wag na lang. Sayang sa load, kahit postpaid ako. XD
Nagpatuloy na lang ako ulit sa pagbabasa ng article tungkol sa bestfriends ko. Wahihi.
"...What made it more interesting is that this isn't your typical love story where a prince courts a damsel in distress. Instead, the damsel courts the prince in distress!..."
Napatawa naman ako dito! Prince in distress si Coltrane? Sabagay, stressed siya kasi di niya malaman kung ano ba ang gender niya! Hahaha!
"Excuse me Miss."
Napatingin naman ako sa waiter at tinaasan ito ng kilay. Oo na masungit na, pero automatic na talaga yun sakin kapag may tumatawag sakin na di ko kilala.
"Here's your wintermelon from Bon Appetea.", tapos nilapag nung waiter yung wintermelon sa table.
Napaupo naman ako ng maayos kasi kanina medyo nakaslouch ako, "Wait. I didn't order anything."
"Ah. Pinapabigay po Mam.", nakangiting sabi ng waiter.
Lalong tumaas yung kilay ko, pano naman nun nalaman ang inoorder ko tuwing Wednesday? By day kasi ang inoorder kong milktea. Oo iba-ibang flavors bawat araw. Ganun ako eh.
BINABASA MO ANG
Inlove With That Gay
Любовные романыPaano kung isang araw, mag-sign ka ng isang kontrata na ang pinapagawa sayo ay gawing isang tunay na lalake ang bakla mong bestfriend at i-break ang puso niya at pag nag-fail ka, either magbabayad ka ng tatlong milyon, o MAMAMATAY ka? Eto lang naman...