Chapter 12. Safeguard?

61 0 0
                                    

KAI'S POV

"Sam."

Gulat din ang mukha ni Sam pero agad niya inabot ang kamay niya at tinulungan akong tumayo.

Nung nakatayo na ako, di ko na napigilang yumakap sakanya. Alam kong we're making a scene, pero wala na akong pakialam. Ang sakit kimkimin ng lungkot na nararamdaman ko ngayon.

"Tahan na...", malumanay nyang sabi at tinatap niya ang likod ko. Ganito rin ako patahanin ni Tatay.

Humahagulgol parin ako pero hindi na ganun ka lakas. Tumawag siya ng waiter na magtuturo pala samin kung saan ang table para samin. Bumitaw na kami sa yakap pero nakahawak parin siya sa bewang ko bilang suporta.

Halatang pinagtitinginan ako ng mga waiters, waitresses, at customers. Nakakahiya, baka mukha akong balahura.

Nauna akong pinaupo ni Sam sa isang upuan tapos umupo din siya sa upuan na katabi. Nilapit niya pa ang upuan niya sa upuan ko.

Nakayukom lang ang mga palad ko sa tuhod ko at nakayuko ako. Nagbabadya nanamang tumulo 'tong mga luha ko. Napakaiyakin ko na.

Inakbayan ako ni Sam ng dahan-dahan tapos yung isa niyang kamay eh nasa mga nakayukom kong kamay. Parang wala ang masungit na Sam na kilala ko?

"Tahan na... Nandito ako...", napakasoft nung boses niya at napakacomforting.

Di nagtagal eh tumahan na rin ako. Inalis niya yung akbay niya ay nilagay ang kamay niya sa baba ko para maging magkalevel ang mukha namin.

Na-awkwardan ako kasi nahihiya akong tumingin sakanya. Uhhh...

"Tumingin ka sakin.", sabi niya pero hindi commanding yung boses niya, parang nakikiusap.

Wala na akong nagawa kundi tumingin sa singkit niyang mga mata. Ang cute cute ng brown eyes niya.

"Okay ka na ba?", malumanay niyang sabi.

Nagnod lang ako kaya ngumiti siya. At nakakagulat kasi isa 'tong sincere na ngiti, eh minsan lang ngumiti si Sam sakin, kaya nilubos ko na at tinitigan siya.

Pogi pala ni Sam kapag nakangiti eh! Dapat lagi siyang nakangiti para mainlove na sakanya si Julia.

Inalis niya na yung kamay niya sa baba ko pero nakatingin parin siya sakin, "Kung may problema ka, makikinig ako sayo."

Nung sinabi niya yun, parang maiiyak ako ulit kasi yun talaga yung kailangan ko, isang taong makikinig sakin.

Ba't kaya ganun no? Kapag pinapatahan ka o tinatanong kung bakit ka umiyak, lalo kang napapaiyak. Bakit kaya?

"Sam may problema ako.", pumiyok pa ako nung sinabi ko yun.

Tinignan niya lang ako na para bang sinasabing ituloy ko lang.

"Pinaasa niya lang ako Sam. Niyaya niya ako eh, at ang saya ko dahil niyaya niya ako. Pero dalawang oras! Dalawang oras akong naghintay!", pumipiyok na ako at tumulo na ulit ang nga luha ko, "Akala ko importante 'to para sakanya. Ako lang pala ang nag-iisip non. Tama, bakla nga si Coltrane. At hindi ko na mababago yun."

Alam kong nagulat si Sam sa mga pinagsasasabi ko kaya yumuko na lang ako at hinayaang umagos yung mga luha ko.

Narinig ko ang pagpindot niya. Nilabas niya yung cellphone niya at nagpipipindot. Lalo akong napaiyak, kahit si Sam pala, hindi rin pala ako importante sakanya. Ang sakit...

"Cancel the appointment.... I said cancel it. Bye."

Napatingin ako sakanya at nanlalaki ang mga mata ko. Malamang, kaya siya nakaformal attire eh dahil may kameeting siya. Pero kinancel niya yun?

Inlove With That GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon