26

1.3K 63 15
                                    




Sandra could hear whispers around her so she slowly opened her eyes to see who they were. By the door she saw her mom, who had her back to her, and Ingrid. Their voices were so soft that she couldn't understand what they were talking about. But then she heard her mom say Greg. Everything suddenly started coming back to her.


She suddenly sat up at the thought of Greg lying down on the hospital bed. "Mommy!" she cried.


Napatakbo ang kanyang ina sa kanyang tabi na sinundan naman ni Ingrid.


"Anak, kamusta ka na?"


"Mommy, si Greg po. Gusto ko pong puntahan si Greg."


Nagkatingin ang dalawang babae, both unsure which one should answer to Sandra. Just then dumungaw si Fred sa pinto ng kwarto.


"Fred, please ipagdrive mo naman ako papunta kay Greg. Please, Fred, please."


"Sands, mas mabuti yatang magpahinga ka muna," ang sabi ni Fred.


"Tama si Fred, anak. Magpahinga ka muna, get better, so that when you're well, you can take care of Greg."


"Mommy, hindi po ako matatahimik kung nandito lang ako. I will keep worrying, hindi rin po ako makakapagpahinga. Please. I just need to see him. Please naman po. Parang awa n'yo na."


Nagkatinginan si Fred at Mrs. Gallego. "Fred, mag-usap tayo sa labas," ang utos ng ina ni Sandra na agad-agad naman na sinunod ni Fred.


Ingrid took this as a cue to sit beside her friend. "How are you feeling now?"


"Ing, anong nangyri? Alam mo ba? Bakit na-aksidente si Greg?"


"Sands, I don't know if it's a good idea to discuss this to you now. Magpagaling ka muna tapos sasabihin ko sa 'yo lahat at sasamahan pa kita kay Greg. But not now, please."


"Please naman Ing. Kailangan kong malaman." Hindi na napigilan ni Sandra ang pag-iyak. "Nag-away kami ng gabing 'yon. Masama ang loob n'ya sa akin nung naaksidente s'ya. At ngayon wala ako sa tabi n'ya para alagaan s'ya. Please naman, ito lang ang hinihingi ko sa 'yo."


Ingrid thought that Sandra's point is valid. Awang-awa s'ya sa kanyang kaibigan, a miscarriage and this accident is no joking matter. Napakalaking dagok nito sa kahit sinong tao. Idagdag mo pa na ilang linggo pa lang ang nakakalipas sa kanyang pagkakakunan ay si Greg naman ang maaaring mawala sa kanya. Kaya naisip na n'yang pagbigyan ang kaibigan. Naisip n'yang it's the least she can do for her.


Humugot muna s'ya ng malalim na hininga bago nagsalita, "Pauwi s'ya that time sa bahay ng parents n'ya. Well, at least that's what we all think kasi papasok na s'ya ng village kung nasaan ang bahay nila. He was making a left turn nung may isang sasakyan na biglang nag-overtake galing sa left side n'ya at sumalpok sa kotse ni Greg. 'Yung isang guard on duty sa village gate nila Greg ay tumakbo agad papunta doon at nakilala si Greg kaya natawagan agad sila Tito at Tita. Ang sabi sa police report ay nakainom daw 'yung driver na nakabangga kay Greg."

Basta't Kasama KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon