"Mrs. Antonio ka d'yan!" ang sabi ni Sandra sa kanyang kaibigan habang hinihila ito palayo sa office ni Greg.
"I heard kasi someone saying na dumating daw si Valderama girl sa office looking for Greg kaya hinanap agad kita. Ano ba'ng ginagawa mo doon sa office n'ya, bakit ka nandun?"
"Tumawag kasi si Greg kanina. Pinapahanap 'yung files nitong Valderama account."
"Ha? Bakit?" ang tanong ni Chary. Umupo s'ya sa visitor's chair pagpasok nila sa opisina ni Sandra. "Ipapasa na n'ya sa 'yo?"
"Ewan ko. Hindi naman siguro. Basta ang sabi n'ya may meeting daw kami with Hazel pagdating n'ya dito."
"Meeting? So pabalik na s'ya dito?"
"I guess."
"So maaabutan n'ya dito si girlash?"
"If she really waits until he gets here, malamang."
"So?"
"What so?"
"So wala kang gagawin about it?"
"Anong gagawin? May kailangan ba akong gawin?"
"Dapat nandun ka mamaya 'pag nagkita sila."
"Ano ka ba? Hindi na 'yun kailangan. Greg can handle her."
"Sands," ang sabi ng isang boses galing sa may pinto kaya napatingin doon si Sandra at Chary.
"O Hazel. Bakit?"
"Anong ginagawa ni Lauren sa office ni Greg? Eh di ba dun sa office ni Mr. Valderama ang meeting ni Greg ngayon?"
"Huh? Oooh... something sounds so fishy," ang sambit ni Chary.
"Ano ba kayo? Everything has an explanation. Pabalik na si Greg. He'll explain everything."
"Oy Mrs. Antonio, 'wag ka ngang masyadong kumampante d'yan. I can sense from a mile away kung ano ang karakas ng ganyang babae."
"Chary, 'wag ganyan. Walang ginagawa 'yung tao. Nagtatrabaho lang s'ya with Greg and Hazel. Isa pa, kanina ka pa tawag ng tawag sa akin ng Mrs. Antonio eh hindi pa naman kami kasal."
"Asus, dun na din papunta 'yun."
"Uhm... Sands. Ayaw kong gumatong ha pero tama kasi si Chary eh," ang dagdag ni Hazel. "Iba 'yang babaeng 'yan. May tinatagong landi sa katawan."
BINABASA MO ANG
Basta't Kasama Kita
FanfictionThere are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na binabalikan.