He felt an empty space beside him on the bed kaya napabalikwas s'ya. "Baby? Where are you?"
It has been more than a month since he has gotten out of the hospital. Natanggal na ang cast ni Greg sa kaliwang braso at nagsimula na rin ang therapy n'ya para dito. Si Sandra naman ay unti-unti na rin lumakas ang pangangatawan. Unti-unti ay bumalik na rin s'ya masayahing sarili n'ya. Sabay silang nagpagaling. Sabay nilang hinarap ang araw-araw. They started getting better together.
At ngayong araw na ito ay ang unang araw na babalik sila sa trabaho. Unang araw na tuluyan nang babalik sa normal ang mga buhay nila.
Tumayo si Greg at nagpunta sa pinto ng banyo para pakinggan kung may tao ba sa loob nito. Nang wala s'yang marinig ay tuluyan na s'yang lumabas ng kwarto. Doon ay nakita n'yang kausap ni Sandra ang kanyang nakababatang kapatid.
"O, gising ka na pala," Sandra said upon seeing him. "Halika na, kain na tayo."
"Kuya, ganyan ba talaga kayo magbreakfast ni Ate Sandra? Wala ka talagang shirt?" ang reklamo ni Guia.
"Ano bang ginagawa mo dito? It's so early," ang sagot naman ni Greg.
"Having breakfast. What else?"
"Nakikikain ka lang, di ba? So don't complain."
"Greg!" ang suway ni Sandra.
"Eh baby, s'ya naman ang nauna," ang angal ni Greg na parang bata.
"Atsaka tama naman si Guia, put a shirt on. Haharap ka sa pagkain na walang damit?"
"See," ang pang-aasar pa ni Guia.
"This is the last time you are going to have breakfast with us ha."
"Ate Sandra o, si Kuya."
"Pssst Greg! Pumasok ka na doon at magbihis para makakain na tayo. I don't wanna be caught in traffic."
"Pasalamat ka nandito ang Ate Sandra mo," ang sabi ni Greg bago nagsimulang maglakad pabalik sa kwarto nila.
Napailing si Sandra sa asal ng magkapatid. Naisip na n'yang magiging routine na nila ito. Ipinagbilin kasi ng mommy nila Greg na bantayan din si Guia. Sandra promised her that she'll have Guia over at their place as often as possible lalo na 'pag breakfast.
"Ate, buti na lang you can put up with Kuya's childish ways," sabi ni Guia bago sumubo ng bacon.
"Ha... ha... ha! Akala mo lang childish 'yang kuya mo pero between the two of us eh s'ya talaga ang mas mature."
BINABASA MO ANG
Basta't Kasama Kita
FanfictionThere are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na binabalikan.