After their movie night at Sandra’s place, they have gotten a bit closer.
They spent the whole Sunday together. Sinundo ni Greg si Sandra sa kanyang unit at inayang magsimba at lumabas pagkatapos. They had lunch, watched a movie, had dinner and coffee. Sinulit ni Greg ang pagkakataon na iyon to put his best food forward. Hindi naman nasayang ito dahil ni isang maliit na away ay walang naganap sa pagitan nila ni Sandra.
Ang mga sumunod na araw sa opisina ay naging typical lang. They worked on their projects together. Minsan ay nagkaka-inisan sila pero madali din namang inaamo ni Greg si Sandra kaya hindi tumatagal ang kanilang tampuhan.
Wednesday is a coding day for Greg, so he hitched a ride to the office with Sandra. That night, he will have a basketball practice with the other male employees for the annual tournament for all the tenants in their office building. And because he didn’t have a car, he has asked Sandra to go with them to the practice as well.
“Let’s go,” he said after work.
“Do I really have to go with you?” she complained.
“If you don’t go eh wala kang kasama dito? Wala kang kasabay umuwi.”
“Ako? Ang sabihin mo wala KANG kasabay umuwi kasi wala kang car today. Kung gusto mo kunin mo na lang kotse ko tapos sunduin mo na lang ako dito. Ayaw kong manood sa basketball practice nyo. Ano ito, college all over again? Atsaka I have a lot of things to do.”
“Sinong kasama mo dito if we leave you?”
“May mga tao pa naman d’yan di ba? I’m a big girl. Kaya ko na ito. O kung gusto mo ganito na lang. Sumabay ka na lang kay Fred papunta dun sa court tapos susunod na lang ako para sunduin ka.”
“Susunduin mo ako?” ang nangingiting tanong ni Greg. He liked that idea. Pakiramdam n’ya ay napakaimportante n’ya sa buhay ni Sandra kaya magagawa pa nitong mag-aksaya ng panahon para puntahan s’ya.
“Oo. Kawawa ka naman. Hindi ka pa naman yata marunong magcommute.”
“Pwede naman akong sumabay kay Fred pauwi.”
“Okay nga lang. ‘Wag mo na istorbohin si Fred. Susunduin na nga lang kita.”
“Promise?”
BINABASA MO ANG
Basta't Kasama Kita
FanfictionThere are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na binabalikan.