“Bro, kamusta ang date n’yo kagabi ni Sands?” Fred asked while they were resting after their basketball game.
“Okay at first. Then she saw a guy at the bar and after that she decided to drink more than she can handle. She was so drunk that I had to bring her home to my condo. Ayaw kasing magising eh. Hindi ko naman alam kung saan s’ya nakatira.”
“Teka. You brought her back to you condo?”
“Hindi ka ba nakikinig sa sinasabi ko?”
“So ano, may nangyari ba?”
“Gago! Sa tingin mo gagawin ko ‘yun sa kanya?”
“Oo nga pala. Takot mo lang sa kanya!”
“You know it’s not that.”
“Bro, wala ka pa rin bang balak umamin kay Sandra ng mga nararamdaman mo for her?”
“Hindi pa muna. I just got back. It’s too soon.”
“Too soon? Baka nakakalimutan mong halos 1 decade na ‘yang tinatago mong feelings na ‘yan. Sigurado ka ba na mahal mo talaga si Sandra? Hindi naman kaya hindi ka lang makaget over kasi never mo s’yang napasagot. Is it just your ego? Subukan mo kayang makipagdate sa iba?”
“Sa palagay mo ba hindi ko ginawa ‘yun? I dated a lot when I was in the States. I did have fun. There is this one girl whom I dated for a while but it still didn’t work. Bro, si Sandra talaga ang hinahanap ng sistema ko eh.”
“Kumilos ka na kasi! Ang bagal mo eh. Ang drama mo pa. Tapos ‘pag may pumorma na namang iba d’yan kay Sandra magwawala ka na naman. Remember that phone number incident back in college?” sabi ni Fred.
********
Flashback
4th Year, 1st Sem
Tambayan
Nagmamadaling pumunta si Sandra sa kanilang tambayan when she got to school one morning. Nadatnan n’ya doon si Fred, Olivia at Ingrid.
“O bakit ka hinihingal? Tumakbo ka ba?” Ingrid asked.
“Grabeeee! Hindi ko kinaya,” Sandra said.
“Ang alin? Ano bang nangyari sa ‘yo?” sabi naman ni Olivia.
Naglabas ng maliit na kapirasong papel si Sandra na galing sa kanyang bulsa. “May katabi ako sa bus papunta dito sa school. Sabay kami bumaba sa tapat ng school tapos habang naglalakad na ako papunta dito ay kinausap n’ya ako. Nakipagkilala and then gave me this.”
Habang nagkekwento si Sandra ay di n’ya namalayang nasa likod na pala n’ya si Greg. Kumunoot ang noo nito habang pinakikinggan ang sinasabi ni Sandra. Kinuha n’ya ang papel na hawak ng dalaga at tinignan kung anong nakasulat dito. “Phone number? Binigay n’ya ‘yung number n’ya sa ‘yo? Ikaw binigay mo rin sa kanya ‘yung number mo?” ang sunud-sunod na tanong n’ya habang nakasimangot.
“Syempre hindi. Anong akala mo sa akin, desperada?”
“But you gave him your name?”
“Oo pero first name lang.”
“Tsss… Bakit kasi nakikipag-usap ka sa mga taong di mo kilala?” ang naiiritang sabi ni Greg.
“Eh sa kinausap ako eh. Hindi naman ako bastos. Atsaka ano na naman ba ang pinuputok ng butsi mo d’yan?”
“Siguro gusto mo rin makipagkilala sa kanya ‘no?”
BINABASA MO ANG
Basta't Kasama Kita
FanfictionThere are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na binabalikan.