29

1.4K 67 20
                                    




"Babe, I hope you don't mind na ako na ang nagdecide kung saan tayo tutuloy," she said as she was helping Greg eat his lunch.


"Whatever you decide on is fine with me. Ang importante ay magkasama tayo," he lovingly replied.


"And just so you know, we're giving your condo to Guia and you will be moving in with me."


"Bakit kay Guia? Bakit hindi sa kapatid mo, kay Alex?"


"First of all sa 'yo 'yun so mas tamang ibigay natin sa kapatid mo. Second, magbubulakbol lang 'yon si Alexander kapag binigyan s'ya ng sarili n'yang place. Doon na lang s'ya sa dorm n'ya at baka panay parties lang gawin n'ya if he gets his own place."


"Ah Baby, hindi ba nakakahiya sa parents mo na sa 'yo pa ako lilipat?"


Naramdaman ni Sandra kung anong punto ni Greg. Naisip na n'ya ito when she made a decision earlier.


Nilapag ni Sandra ang hawak n'yang kutsara at tinignan sa mata si Greg, "It won't make you less of a man kung doon tayo titira sa unit ko. Actually, hindi ko nga unit 'yun eh kasi what's mine is yours. So it's our unit now. Isa pa, feeling ko kasi mas marami tayong memories sa unit ko eh. Mas madalas kasi tayong nandun. Di ba doon tayo palaging nanonood ng movies..."


"Baby, please let's not talk about the details anymore. Ayan ka na naman eh, you're teasing me again."


"Ha... ha... ha! Sige hindi na. Basta doon na tayo ha. At wala ka na rin namang magagawa kasi right this very moment, they are already moving your clothes and other stuff to my... our place."



********



After two more days, Greg was finally discharged from the hospital. They went straight to their condo. Mas malakas na s'ya ngayon pero may cast pa rin ang kanyang left arm. It would take 3 more weeks bago matanggal ito. He was also adviced na maglakad-lakad na ulit at 'wag lang manatiling nakahiga o nakaupo. He needs to work his legs again to get the feel back.


Greg's dad drove them home. Si Sandra kasi ay pinagbabawalan pa nilang lahat na magdrive. Si Fred naman ay busy sa opisina. And the rest of their family members are already at the condo. Malaki ang naging ngiti ni Greg nang makapasok na sa lobby ng kanilang condo building. He even got a bigger smile when the security guard greeted him. Pakiramdam n'ya ay nagsisimula ulit ang buhay n'ya, like he was literally given a new lease on life. Na kahit ultimong maliliit na bagay na hindi n'ya napapansin noon ay naa-appreciate na n'ya ngayon.


Dumerecho na si Greg at Sandra sa elevator habang si Mr. Antonio naman ay nagpark muna ng kanyang sasakyan. Habang pataas ang elevator ay hinawakan ni Greg ang kamay ni Sandra, na nagpangiti naman sa dalaga.


"Babe, bago tayo pumasok sa loob may sasabihin muna ako sa 'yo," Sandra said when they got in front of their unit's door.

Basta't Kasama KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon