“Yeah,” ang inaantok na sagot ni Greg sa tawag ni Sandra nang sumunod na araw.
“Greg gising na,” Sandra commanded.
“Baby, ang aga mo naman tumawag. “Miss mo na ako?”
“At ang aga din n’yang baby-baby echos mo ha. Tigilan mo na nga ‘yan. Gumising ka na at magready. I will be there in 30 minutes with breakfast.”
“What time is it anyway?”
“6:45 na. Tumayo ka na para hindi tayo abutin ng traffic. Kamusta na ba ‘yung paa mo?”
“Better. Masakit pa rin kaunti pero it’s not swollen.”
“Good. O sige. Tumayo ka na at maligo.”
“Wait, Baby!”
“Ano?”
“Kailangan ko ng katulong para maligo.”
“Greeeeeg! Ang aga-aga pa! Panay kalokohan ka na! Umayos ka kundi iiwanan kita.”
Napangiti si Greg. “Sabay tayo papasok?”
“Oo nga di ba? Bakit kaya mo na ba magdrive?”
“Ah… h-hindi pa. Sige sabay tayo.”
“Kaya nga get ready para makaalis na tayo.”
“Okay Baby. I’ll be ready when you get here.”
“Good. And will you please stop calling me baby,” she said in frustration.
“Bye Baby!” he said then pressed the end call button. “Today will be a very beautiful day!”
Thirty minutes later, Sandra is knocking on Greg’s door. He cheerfully opened it and let her in. Inihain ni Sandra ang dala n’yang breakfast sa dining table at kumuha ng plato at kubyertos.
BINABASA MO ANG
Basta't Kasama Kita
FanfictionThere are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na binabalikan.