Flashback: College Days
Ang mga sumunod na araw at linggo ay naging maganda at masaya para kay Greg. Whenever there is a chance that the Greg and Fred can hang out with Sandra’s group they would. They deliberately associated themselves with these girls, close enough to be called their kabarkada. Aside from hanging out in school, their group would go out on gimmicks – dinner out, movies, movie marathon and mini drinking sessions in one of their houses, college parties, bar hopping and outings during summer or semestral breaks. Palagi din nanonood ang grupo sa lahat ng basketball games ni Greg at Fred. Gaya kasi ng suggestion ng mga babae ay sumali si Greg sa basketball team ng kanilang course para mapansin ni Sandra. At pati na rin si Fred ay sumali dahil ayaw daw niyang maging one of the girls na cheering squad ni Greg sa bawat game.
Sa sobrang dalas nilang magkakasama ay malaya nang nakakausap ni Greg si Sandra at madalas pa ay inaasar. Natutuwa kasi si Greg ‘pag nakikita ang pamumula ng mukha ni Sandra sa t’wing papansinin n’ya ito. ‘Yun nga lang he wasn’t sure if she was blushing or fuming mad. May ilang pagkakataon na rin kasing umaalis si Sandra ‘pag inuumpisahan s’yang asarin ni Greg.
********
In Third Year
Basketball Championship Game
College of Fine Arts vs College of Commerce
Pumwesto si Ingrid, Sandra, Jaimee, Myles at Olivia sa bleachers two rows behind their team’s bench. Malakas ang pagcheer nila sa buong team ng College of Fine Arts pero mas lalo pang malakas ito ‘pag naglalaro mismo si Greg at Fred. And since it was championship game, the girls decided to have fun and go all out. At dahil Arts majors sila, gumawa sila ng banners na may nakalagay na ‘We love you Fred!’ at We love you Greg!’ And everytime either of them would score, the girls would hold up those banners really high.
May isang beses na naka 3-point shot si Greg. Nilingon agad n’ya ang mga kaibigan nilang nagtatatalon at sumisigaw sa tuwa. Napansin din n’yang si Sandra na ang may hawak ng banner na may ‘We love you Greg!’ Nasabi tuloy n’ya sa sarili n’ya na sana ay ang nakalagay na lang doon ay ‘I love you Greg!’ at mismong si Sandra ang nagsasabi nito sa kanya.
Their team won the game. The players and coaching staff immediately ran towards the center court and celebrated. Ang ibang nanood ay sumali din doon pero ang mga kabarkada nilang babae ay nagpasya na lang na magstay sa bleachers.
“’Wag na tayong makigulo doon sa gitna. Dito na lang tayo,” sabi ni Sandra.
“Oo nga. Baka masaktan pa tayo sa sobrang gulo n’yan,” ang dagdag naman ni Jaimee.
“Ingrid, senyasan mo na lang sila Fred na mauuna na tayong umalis tapos magtawagan na lang tayo kung susunod ba sila atin o ano,” sabi ni Olivia.
At ganito ang ginawa ni Ingrid. Nang mahuli n’ya ang tingin ni Greg ay sumenyas s’yang lalabas na sila at tumawag na lang sa kanila.
After the celebration has died down at the court, the players went back to the locker room to change and collect their stuff. Dito na rin napag-usapan ang victory party na gagawin sa bahay nung team captain. Habang nagsusuot ng t-shirt si Greg ay lumapit sa kanya ang teammate na si Andrei.
“Dude, pupunta naman kayo sa victory party natin di ba?” sabi nito.
“Of course,” ang sagot ni Greg.
At this point ay nakalapit na rin si Fred sa kanilang dalawa. “This is going to be fun! Inuman na naman!”
“Ah. Pwede ba akong magtanong?”
BINABASA MO ANG
Basta't Kasama Kita
FanfictionThere are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na binabalikan.