Pagkatapos ng meeting with the client ay dumeretso agad si Greg sa opisina ni Sandra.
"We're done with the meeting," sabi nito. "Busy ka ba?"
"Trying to be busy. Parang nangangapa ulit ako eh. Ang tagal kasi nating nawala eh."
"Don't worry, you'll be back to your old self in no time."
"Sana nga. So, ano itong bagong account n'yo?"
"Furniture company. They are going for an all out campaign for their brand at isasabay nila sa opening ng biggest showroom nila."
"How much lead time do you have?"
"Mahaba naman. We have about 8 months. The owners don't want it to be rushed kaya maaga pa lang ay lumapit na sila sa atin."
"So sino 'yung ka-meeting n'yo?"
"Lauren Valderama, VP for Marketing and daughter of the owner."
"Aaaaah. Maganda ba s'ya?"
Napangiti si Greg sa tanong na ito ni Sandra. "Baby, nagseselos ka ba?"
"Ha? Hindi! Tinatanong ko lang. Kasi yung view from the her back parang maganda at sexy eh, mukhang flawless. Baka talikogenic lang pala."
"Ha... ha... ha! Ngayon ko na lang ulit narinig 'yang term na 'yan! Sino na nga 'yung tinawag mong talikogenic nung college tayo?"
"Si Gilda?"
"Oo, si Gilda! Ha... ha... ha!"
"Crush mo 'yun, di ba?"
"Nope!"
"Hindi daw eh bakit panay ang tingin mo sa kanya that time sa org party natin?"
"How did you know that I was checking her out?"
Natigilan si Sandra nang maalala n'ya ang gabing 'yun. Naramdaman n'yang umiinit ang kanyang pisngi kaya napatungo s'ya.
"So? How'd you know?" Greg asked again.
"Kasi... aah... uhm..."
"Baby, look at me," ang utos ni Greg.
She raised her head and shyly replied, "Kasi... I... was... checking... you... out."
BINABASA MO ANG
Basta't Kasama Kita
FanfictionThere are some kinds of love that never really die. Kahit gaano kalayo, kahit gaano na katagal ang panahong lumipas ay iyon pa rin ang pag-ibig na binabalikan.