28

1.6K 67 40
                                    





Isang umaga ay nagising si Sandra dahil sa isang tawag.

"Ate Sands?" Guia hesitantly said.

Napabalikwas si Sandra dahil sa boses ni Guia. She knew it has something to do with Greg that she couldn't help but feel worried.

"Guia bakit? Anong nangyari sa kuya mo?"

"Ate, he's awake and he's looking for you."

That was all it took for every cell in her body to fully function. Tumayo s'ya agad para tawagin ang kanyang mommy para ayain na itong puntahan si Greg.



********



Natutulog si Greg nang makarating si Sandra sa ospital. She was looking at his pale face while saying a prayer, "Lord, nalulungkot pa rin po ako sa pagkawala ng baby namin at sa totoo lang po ay natakot din ako sa possibility na pati po si Greg ay kunin N'yo rin sa akin. Kung nangyari po 'yon, siguro ay mababaliw ako. Thank you po because you didn't let it happen. Thank you for bringing him back to me. Thank you po at may itinira Kayo para sa akin. Ngayon po pahahalagahan ko po ng sobra-sobra itong chance na binigay Mo sa akin – this chance to be with him."

Unti-unti ay nagbukas ang mga mata ni Greg. His eyes slowly focused on her face. He gave a weak smile when he was certain that he was looking at Sandra.

"Baby?"

She squeezed his hand, "Babe, I'm here."

"Baby, mahal mo pa rin ako?"

Natawa si Sandra sa sinambit na ito ni Greg. Ang pakiramdam n'ya ay naglalambing ito. "Oo, Babe. Mahal na mahal pa rin kita."

He gave her another smile before closing his eyes again.

Lumipas pa ang ilang araw. Unti-unti ay umaayos na ang pakiramdam ni Greg. Nailabas na s'ya sa ICU at nailipat sa isang private room. Ngayon ay mas malaya nang nakakapagbantay si Sandra pero hindi pa rin s'ya pinapayagang matulog doon. They all said she needs to rest well to recover fully. Bumabawi na lamang s'ya sa pagbabantay buong araw. Pagpatak ng alas nuweba, asahan mong nandun na s'ya sa tabi ni Greg.



********



Habang magkahawak ang mga kamay ay naramdaman ni Greg ang singsing ni Sandra. He held up her hand and was surprised to see THE ring on her finger. "Where did you get this?"

"They got it from your car. Fred gave it me."

"What?! But I was supposed to propose to you," ang parang nagtatampong sabi ni Greg.

"Don't worry about it. Si Fred na ang nagpropose, well sort of, and I already said yes."

"So sinong pakakasalan mo ngayon?"

Natawa si Sandra sa inaasta ng kasintahan. "Asus naman ito, nagpapa-baby talaga. Pero okay lang kasi bagay naman sa 'yo. And to answer your question, syempre ikaw. Kanino ba galing ang singsing na ito?"

"Eh kasi s'ya ang nagbigay, s'ya pa ang nagpropose."

"Actually you should thank Fred. He sorta covered the base for you."

"What do you mean?"

"He gave me the ring and proposed for you para daw siguraduhing taken na ako for good. He is such a great friend."

Nailing si Greg at sinabing, "I know, Baby."

"Anyway, how are you feeling now? May masakit pa ba sa 'yo?"

Basta't Kasama KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon