"Theo who do you think this anonymous guy is? What do you think he wants from me? And why?" I asked Theo. Andito kami ngayon sa loob ng Cafeteria ng university. Wala si Vladimir kasi daw may klase pa s'ya at pinapaubaya naman n'ya ang tungkulin n'ya sandali kay Theo ko, ang pagbabantay sa'kin.
Ewan ko sa kanilang dalawa. Hindi naman si Theo mukhang napipilitan lang pero mukha din'g oo. Aish! Ewan.
"Why are you asking me that? Hindi ako ang nangstastalk sa'yo." He boredly replied while eating his burger.
"Sungit. Psh." Bulong ko at saka pinagtuunan ang chocolate cake ko.
"Syet! Di ba sa Nathaniel 'yan?" Rinig kong bulong ng isang babae sa may likuran ko pero di ko na lang pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain.
"Sila na? Ang saya naman! Boto ako sa kanila girl!" Buyset! Bagay nga kami ni Theo ko! Walang reklamo ang mga fans n'ya sa'kin e.
"Ako rin girl! Sinagot na pala s'ya ni fafa Nathaniel ano?" Bulong nung isa pa.
"Oo. Basta. Boto ako sa pag-iibigan nila." Sagot nung isa.
Syet! Pag-iibigan daw o! Lalim ng words. Natawa ako ng palihim at tiningnan si Theo ko. Langya! Ngumunguya lang s'ya habang nakatingin sa'kin. Ang hot kaya n'ya tignan! Jusko po!
"Theo..."
Nakatitig pa rin s'ya sa'kin e. Enebeyen! Kinikilig ako!
Emeged! Ang hot n'ya kumain ng nakatitig sa'kin! Sana forever kami ganito!
"Theo, don't worry. Di ako maagaw ng iba. Alam ko namang loyal ako sa'yo." Sabi ko saka tumikhim at kumain ulit. Nakalimutan ko tuloy sandali ang pagkain ko. Bigla naman ata s'ya natuhan at ipinilig ang ulo n'ya.
"Tss." Sagot n'ya lang sa'kin.
Seryoso?
Ang tipid talaga magsalita ng mahal ko. Psh.
After naming kumain ay umalis na kami sa cafeteria. He was walking beside me and students are looking at us. Well, he doesn't care kung pinagtitinginan kami. Theo's really a snob guy. I can't fathom why I fell inlove with this guy.
Siguro nga talaga, totoo 'yung kasabihan na "Love moves in a mysterious ways." Hahaha teka, kasabihan ba 'yun, kanta 'ata yun e at tsaka anong konek nun sa pagkahulog ko kay Theo? Umiling ako at napangiti sa mga kabobohang naiisip ko.
Nakakabobo talaga ang pag-ibig. Akalain mo, inlove ako sa lalaking halos ipagtabuyan ako. Baka inlove s'ya sa iba?
No way!
Dadaan muna s'ya sa butas ng karayom ko bago n'ya maagaw ang fafa Theo ko!
Karayom ko talaga?
I'm going crazy, thinking why Theo isn't affected with my charms. Haay, di naman ako panget tapos sabi ni Vladimir sexy daw ako. Tell me, anong problema?
Kainis.
As usual, para lang s'yang robot. Hinatid lang n'ya ako sa klase ko tapos umalis na s'ya ng walang pasabi.
Si Vladimir nga andaming paalala kapag hinahatid n'ya nako sa klase ko. Hmp.
Namiss ko tuloy ang anak ni dracula. Aish. Di ko kasi s'ya nakita kahapon tapos ngayon din. Okay lang naman kasi si Theo kasama ko kahapon pa pero nakakamiss ang kakulitan n'ya at ang pagsasabi n'yang '"I'll be by your side always. I'll always protect my princess." Tapos ngingiti s'ya ng katumbas ng isang bilyon! Asan na ba kasi yung lalaking 'yun?
Be by your side always pa s'ya tapos wala s'ya. Hmp. Kainis talaga silang magkaibigan minsan.
"Open page 274. Read text and answer after reading." Our professor said then sat on his chair in front of us and put his earphones on then stayed quite.
BINABASA MO ANG
Losing Grip
Художественная прозаRobegail Chloe Gracia's Story. All Rights Reserved @MitchieMorton