Gail Gracia's PoV
Another day, another fight. Another day to get a chance to get notice by the person I love. Chos! Ang drama ko masyado. Umagang-umaga nagdradrama ako. Syempre, the day passed so fast kaya bestfriend ko na si Vladimir. Close na rin ako sa kapatid ni Theo ko at kay Theo rin! Siguro? Di ako sure, e. V is my protector and my cook. Oo, pinagluluto niya ko sa penthouse ng dinner minsan sa isang linggo. He's very kind. Hindi na rin nambubulabog ang mga stalkers ko ay este yung sumunod na goon sa'kin sa parking lot. Hindi na rin nagtetext o tumatawag man lang yung unknown na number. Isang buwan na ang lumipas, isang buwan ko nang ka jam sila Vladimir, Rain, Lyra at si Theo ko. Ngayon na nakakalapit na ako kay Theo mas nahihiya ako sa pinaggagawa ko noong pangstastalk sa kanya and everything for pete's sake! I'm even courting a heartless guy. Oo, masama ang ugali niya.... sa akin pero di naman niya ako binubully. He's just pushing me away from himself and I don't know why. Wala naman siyang nobya or ka MU. Psh. Nakakafrustrate isipin. I say, Theo and I are not really that close kasi feel ko di siya mapakali if I'm around. Nabibilang ko lang ang times na good mood siya at di niya ako sinusungitan. Everything is just fine for me and I think malapit na akong sagutin ni Theo.
"Okay, class dismissed." Our professor said and he walks toward the door. Haaaay... buti na lang tapos na siyang mag-discuss ng magday dreaming ako. Psh. Kanya-kanya kaming kuha ng bag at gamit namin para pumasok sa next subject namin.
"Hey Gail! May nagpapabigay nga pala sayo." My blockmate said. Katrina ba pangalan nito o Catherine? Pasensya naman di ako masyadong friendly. Like what I've said noon. Makikipagfriend lang ako sayo kung natuwa ako sayo or feel ko na maging friend ka. Hehe I know it's mean pero I'm a kind of person na hindi na basta-basta magtitiwala.
"From?" I asked Katrina or Catherine? Inabot niya sa'kin ang isang box at isang boquet.
"Hindi ko alam. Iba-iba kasi ang nagbigay niyan." She shrugged and smile.
"Mga admirer mo siguro." She said tapos nagpaalam na sa'kin. I thank her and started to walk out of the classroom for my next subject. Bitbit ko parin ang isang box na hindi naman masyadong malaki at isang boquet ng white rose at tulips. May mga card pa sa ibabaw. Hmmmm... kahit hindi ako friendly tinatanggap ko naman ang binibigay nila kasi uma-appreciate ako ng effort. Hindi katulad ni Theo. Tss. Di'bale na mahal ko naman.
"Hey Baby Chloe, nahihirapan ka yata diyan." V approached me. Seriously? Para siyang kabuti. Susulpot lang bigla. Buti na lang hindi ako magugulatin. I just smiled.
"Hindi naman. I'm just carrying one light box and one boquet. Duh! Paano ako maghihirap magbitbit nito?" I rolled my eyes at him. He just chuckled. Kainis 'to. Ayoko siya marinig magchuckle kasi ang sexy pakinggan, e. Tss. Oo, sa isang buwan naming magkasama bestfriend ko na talaga 'tong baliw na lalaking 'to. Tingin ko nagkakacrush na nga ako sa kanya, e. Sino ba namang hindi magkakagusto sa lalaking 'to. Gwapo, mabait, marunong magluto, gentleman, talented at gwapo ulit. Hahaha hindi ko alam kung matalino ba 'tong si Vladimir.
"Let me bring this for you." He offer and took the boquet I'm holding. Kahit kailan ang bait niya sa'kin. Boyfriend material si V. Siguro kung hindi lang ako inlove kay Theo? Nainlove na ako kay Vladimir. Nasa kanya na lahat e. Ewan ko ba kung bakit walang syota 'to. For sure naman maraming may gusto sa lalaking gwapo na 'to. Kagaya na lang ngayon, maraming babaeng kinikilig sa pagdaan lang niya. Ako? Kung nakamamatay lang ang tingin matagal na kong nakabulagta sa sahig. Makatingin sa'kin e parang inaagaw ko sa kanila ang King of V nila e. Tss. Saksak niyo siya sa dalawang kidney niyo.
"Ang gwapo ko talaga. Naks!" Narinig kong nagsalita ang King of V sa tabi ko.
"Sino may sabi?" Pagtataray kong tanong.
BINABASA MO ANG
Losing Grip
General FictionRobegail Chloe Gracia's Story. All Rights Reserved @MitchieMorton