Chapter Eleven

25 2 1
                                    

Gail Gracia's PoV

"Tell me. Why can't you love me back? Why not me?" Seryosong tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko. May naaninag ako lungkot at sakit sa mga mata niya.

Ako ba talaga ang tinutukoy ni Vladimir? Ako ba ang babaeng sinasabi niyang mahal niya?

"V-vladimir..." Nasasaktan ako sa ginagawa niya. Bakit? Kasi mahalaga siya sa'kin. Nasasaktan ako dahil feeling ko sinasaktan ko siya. Nalulungkot ako dahil sa nararamdaman niya para sa'kin. Naiiyak tuloy ako!

"Vladimir... alam mo nama---"

"Ayos ba ang line ko?" Masigla niyang tanong sa'kin at binitiwan ang dalawa kong braso at umatras ng konti.

Ha?

Bipolar talaga 'tong mokong nato! Ambilis magpalit ng anyo este emosyon sa mukha.

Pero ano raw?

"Ha?" Iyan lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa pagkabigla at pagkamangha. Hindi ko siya maintindihan e.

"Hehe sorry. Napagtripan kong magpractice ng linya na sasabihin sana sa babaeng mahal ko. Alam mo na, magmamakaawa." Magaslaw talaga 'tong lalaking 'to. Kahit na mukhang masaya ang boses niya, nahuli ko pa rin ang pait niyon. Nasasaktan siya.

Gaga! Akala ko dahil sa'kin!

Assumera naman ako. Akala ko ako yung dahilan o kaya akong babaeng tinutukoy niya. Kinabahan ako dun ah!

"Ah. Okay lang nama---- ANO?! MAGMAMAKAAWA KA?!" Napalingon ako ng marahas sa kanya at nasigawan ko siya bigla. Bakit? Bakit siya magmamakaawa sa babaeng 'yun?!

Hindi. Hindi ako papayag!

"What's wrong, baby?" Nakakunot noong tanong niya tapos napakamot sa batok. May nakita akong kislap sa mga mata niya, kislap ng pag-asa. Ewan.

"Hindi! Huwag ka magmamakaawa no! Ibababa mo ang pride mo dahil lang sa babaeng hindi ka naman pinapahalagahan? Ano siya? Sinuswerte? No no no pwede!" Mariing kontra ko. Kung bakit ako kumukontra? Hindi ko alam.

Ayoko sa naiisip kong magmamakaawa siya para sa babaeng sinisinta niya noon pa na hindi naman siya mahal! Sasaktan niya lang ang sarili niya. Well, ayoko din naman talagang magpakababa siya dahil kaibigan ko si Vladimir at ayokong nakikita siyang nasasaktan na madalas ko din naman makita. Ewan. Ayoko. Hindi ko alam pero parang may mas malalim pa ako na dahilan na hindi ko naman mahagilap sa kung saang banda ng katawan ko ang tumututol.

"Why? Are you jealous, baby?" He's teasing me.

Aba't! May gana pang mang-asar ang poging 'to! Ansarap kurutin sa singit niya -_-

"Why would I be jealous? Huh?" I crossed my arms at umupo sa stool na inupuan ko kanina.

I saw how his eyes' emotion changed. From hopeful to hopeless. Shucks! Anong klaseng emosyon yun?

"Hindi. Hindi ka magmamakaawa! Ayokong masaktan ka Vladimir." I sincerely said.

"Baby, kung magmamahal ka ng isang tao, hindi pwedeng hindi ka masaktan. Especially, when the person you're inlove with is hopelessly inlove with someone else. Love is pain. You'll have to feel the pain first before happiness." Seryosong saad niya pa. Ang lalim ng hugot niya! Mahal nga niya ang babaeng 'yun. Mababasa mo naman sa emosyon ng mukha niya e at pati sa pananalita niya.

The way he talks about love... you'll know how much he loves the girl he's talking about. How lucky the girl is?

Habang ako? Hopeless sa pagmamahal ni Theo. Akala ko pa naman hindi niya na ako natiis. Tss. Fishtea! Umandar lang pala ang pagkalibog niya.

Losing GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon