Gail Gracia's PoV
"Ugh. Ano ba ang susuotin ko?!" Naiinis ko na tanong sa sarili ko.
Namimili lang naman kasi ako ng damit na susuotin ko para sa party mamayang hapon ng alas 3. Bakit kasi ako pumayag na pumunta? Ayan tuloy nagkakaproblema ako sa susuotin ko. Psh.
"Ito or ito?" Tanong ko sa sarili ko sa harap ng malaking salamin. Hawak hawak ko ang dalawang dress na naka-hanger pa.
Nafrufrustrate ako. Pool party daw pero mamayang gabi pa daw yun kaya dapat magcasual daw muna. Hindi naman required ang magdress pero kasi baka sosyalin ang mga inimbita ni Navia sa party.
"Ayoko nito! Masyadong fit. Di bagay sa party!" Ani ko at ibinalik ang mga damit sa lalagyan.
Number one talagang problema ng mga babae 'to. Ang pumili ng damit.
This is one of the reason why I hate being a girl. There are lots of clothes but can't choose one. Ang daming problema sa pagpili.
Umatras ako ng konti at tinitigan ang buong walk in closet ko. Geez, wala akong mapili na dress. I sighed. I looked at my wrist watch and its says 2:35 in the afternoon.
"The hell!" I exclaimed. Malapit na palang mag-alas tres pero wala pa akong mapili na damit. Ginulo ko pa ang buhok ko at napaupo sa metal na stool na nasa gilid ng malaking salamin ko.
I sighed again.
"Sh-it!" Nagulat ako ng umalingawngaw ang ringtone ng phone ko na nasa ibabaw ng lamesa dito sa loob ng walk in closet. Syet! Mapalitan nga ang ringtone nito. Masyadong creepy e. Ringtone kasi ng 'One Missed Call' ang gamit ko.
Calling...
Sis Navia"Hello?"
"Hi, Unnie! Ano? Are you ready?" Masiglang tanong ni Navia sa kabilang linya.
Patay! Gail anong susuotin mo?!
Sinabunutan ko ang sarili ko bago sumagot.
"Ah eh... Nav, wala pa akong napili na dress e." Amin ko sa problema ko ngayon.
Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya.
What?
"Unnie, okay lang naman na hindi ka magdress. You can wear clothes kung saan comfortable ka?" She answered. Napangiti ako dahil sa sagot niya.
Yehey! Wala talaga ako sa mood magdress tapos magbibikini ka sa ilalim. Hindi ako komportable sa ganung ayos.
"Talaga?! Yay! Salamat naman. Sige, magbibihis lang ako. Bye!" Masigla kong sabi at tumayo na.
"Okay. See ya!"
"Bye!" Ani ko at agad na inilagay ang phone sa stool. Naka-underwear lang ako ngayon. Oo, mag-uunderwear na lang muna ako. Dun nalang ako magpapalit ng bikini sa bahay nila.
"I like this." Kinuha ko ang maong na ripped short shorts ko at agad na isinuot. Kumuha din ako ng cripped top na white shirt at pinaresan ng white sneakers. Mas komportable ako sa ganitong ayos.
"Okay na'ko." Ani ko at tiningnan ang sarili sa salamin.
Napanguso ako ng makita ko ang ayos ng buhok ko. Ang gulo e.
Kumuha na lang ako ng suklay at sinuklay ang buhok ko na parang dinaanan ng bagyo dahil sa gulo. Hindi ko pala nasuklay 'to pagkatapos kong e blower.
"Ready nako!" Masigla kong sabi at pumalakpak pa. Lumabas ako ng closet at umupo sa kama ko at kinuha ang sling bag ko.
BINABASA MO ANG
Losing Grip
Genel KurguRobegail Chloe Gracia's Story. All Rights Reserved @MitchieMorton