Gail's POV
"Besh, nakita ko si Theo kanina!! Ang gwapo niya talagaaaaa!!" Tili ko sa loob ng kwarto ni Lyra, bestfriend ko. Habang patalon-talon sa kama niya.
"Alam ko. Ilang milyong ulit mo na ba sinigaw yang linyang yan sa harap ko. Ha? Robegail Chloe Castillo Gracia ?" Sabi niya sakin habang nakatingin pa rin sa monitor ng laptop niya. Ang hard ha? Ayaw man lang akong harapin.
"Makatawag sa buong pangalan ko. Wagas ha? Ellyra Yuson Montreal?" Reklamo ko tapos humiga ako sa kama niya.
"Hoy babae araw-araw kaya kitang naririnig sumigaw nyan. Sawa nako. Ginawa mo na yang ritual mo e." Sabi ni Lyra.
" Eh sa ang gwapo niya palagi e. Tapos araw-araw ko pa siyang nakikita. Inlove na inlove na talaga ako sa kanya!" Sabi ko tapos tumili ako. Oo na. Ako na ang baliw! Baliw kay Theo Nathaniel Sy!
" Gaga. Obvious na obvious naman. Pero siya hindi. Nakaka diri ka pa. Buntot ka ng buntot sa kanya. Nagmumukha ka ng aso. Tinataboy ka pa. Ewan ko sayo Robegail. San ng utak mo? Nasa puwet mo na baa?" Litaniya na naman ni Lyra sa'kin. Pano ba kasi e buntot siya ng buntot sakin e. Este ako pala. Admirer niya na ako.
"E, besh. Kaya nga may kasabihang follow your dreams diba?" Sabi ko naman.
"Wala ka na talagang utak, besh. E, ayaw nga sayo nung tao. Ang ganda mo pa naman tapos habol ka ng habol sa antipatikong lalaking yun? Sayang ka, besh. Patapon ka na." Pailing-iling pa niyang sabi.
" Alam mo minsan nagtataka ako kung bakit kita naging bestfriend." Biro ko sa kanya. Ang hard kasi. Masyado tong bitter. Parang nakakain ng limang sako ng ampalayang hindi luto. Ganyan talaga yung mga nasaktan na ng dahil sa pag-ibig. Feel nila wala ng matinong lalaki sa mundong ibabaw. Tapos lagi pang galit sa universe.
"Nagtataka nga rin ako, e. Di ko alam kung bakit ako nagkaroon ng walang utak na kaibigan." -_- kitams? Ang hard niya.
"Grabe ka, besh. Sagad na yun sa buto ko ah. Walang utak ka diyan! E, bakit pa ko nasali sa dean's list kung wala nga! Aber? Explain mo sakin yun." Nakapout pa ko nyan.
"Tigil-tigilan mo ko diyan sa pag-pout mo Robegail ha? Wala kang uta--"
"Tigil-tigilan mo rin ako sa pagtawag mo ng Robegail sa'kin ha! Nakakairita pakinggan." Reklamo ko. Ayoko sa pangalan ko. Tss.
"Wala akong paki. Gusto ko,e. At para masagot ang katanungan mo kung bakit wala kang utak kasi eto na nga. Maganda, matalino, mayaman, mabait at sexy. Pero lahat yun? Parang nawalan lang ng bisa dahil sunod ka ng sunod sa Theo mo na yan! Sa dami ng lalaking nanligaw sayo lahat di mo binigyan ng chance." Nakapoker face pa siya ng sinabi niya yan.
"Ang bilis din kaya nila nag give up. That's good anyway. Si Theo ko lang ang gusto ko." Tapos ngumiti ako ng nakakaloko kay Lyra. If I know naiinis na 'to.
"Ewan ko sayo Robegail Chloe Castillo Gracia. Baliw ka na. Wala ng lunas 'yan." Inis na siya. Bwahahaha. Oo ako na ang evil.
"Ikaw naman. Pikon agad. Syempre baliw ako. Mana sa'yo e." I said at tumawa sa kanya. Ansarap talaga asatin ng babaeng 'to! Andali mapikon e.
"Tss."
I'm Gail Chloe Gracia. 23 years old. Studying in Del Valle University. Medical student and Head over heels inlove with Theo Nathaniel Sy. Ewan! Na love at first sight ako sa kanya e. Hahaaay! Sana pansinin na niya ako ulit. Oo, ULIT. E kasalanan niya rin kung bakit ako patay na patay sa kanya. E siya yung knight in shining armor ko e. Hahaha
Flasback
Naglalakad ako papuntang parking lot sa loob ng university. Alas 7 na ng gabi ng makalabas ako ng library kasi may hinahanap akong libro at ang tagal kong nakita. Kainis. Iniwan pa ko ni Lyra. Ang sama talaga ng bruhang 'yun. Kinuha ko na 'yung susi ko sa backpack ng may biglang humila sakin sa madilim na bahagi ng parking lot.
BINABASA MO ANG
Losing Grip
General FictionRobegail Chloe Gracia's Story. All Rights Reserved @MitchieMorton