CHAPTER 4

467 15 2
                                    

Hello summer, next year sophomore na kami. Aba dapat lang mag diwang. Ang hirap maging first year. Next year hindi na kami ang pinaka bata. At kahit papaano may authority na kami.

This summer, wala akong planong gawin kung hindi magpapayat. Dapat ko nang tigilan ang lumamon ng lumamon para magustuhan ako ni Nathan. Wala pa siyang girlfriend kaya may chance pa ako. Ang bait niya sa akin, sobra. Hindi naman siguro awa yun dahil hindi naman ako mukhang kaawa awa.

Kasama kong mag exercise si Vince at Jyra. Sasamahan nila ako kasi baka daw hindi ko pag-igihan. Thrice a week kaming mag badminton at every morning kami kung mag jogging. Then every Friday night, sleep over. Rotation kung saan ang venue. Hindi naman natatakot o nagaalangan ang mga parents namin dahil kay Vince. Kasi alam naman nilang wala kaming gagawing masama. Kasuka suka lang. haha

Naghanda na ako for this week's sleepover. Kasi kayna Vince kami. Medyo maaga kaming dumating ni Jyra at pinapasok na lang kami ng mom niya. His mom is the best. Sobrang bait pati ang dad niya.

We went to his room without him noticing. Gusto namin siyang gulatin. Pero imbes na siya yung magulat, kami yung nagulat.

We saw him HUGGING another guy! OMGOSH. Hindi kami makapaniwala. Hindi naman kasi sinabi sa amin ng mom niya na may kasama siya. His mom came shouting kaya naalerto sila. Napatingin si Vince sa pinto, nakita niya kami at nanlaki yung mata niya. Halatang gulat siya.

Pagkita sa amin ng "kaibigan" niya, biglang umalis. Naiwan kami at pumasok na sa kwarto. Walang may gustong magsimula sa amin. Pare pareho ata kaming hindi alam ang sasabihin.

Yung hug naman kasi hindi para sa magkaibigan na hug eh! Naka hug yung guy sa likod ni Vince!

"Sorry at nakita niyo pa yun" Sabi niya, halatang hiyang hiya.

"Ano ka ba, bakit ka nagsosorry? Kami nga dapat eh kasi naistorbo namin kayo, ang wrong timing namin." Ngumiti ako at napangiti na din siya. "Bakit ba kailangan mong itago?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Natatakot kasi ako na baka layuan niyo ako. Wala naman kasi akong balak na ipaalam kahit kanino." Nakayuko na naman siya.

"Okay ka lang ba? Bakit ka naman ba namin lalayuan ha? Anong klaseng kaibigan naman kami nun?" Sabi ni Jyra. Tama nga naman. Kasi hindi naman namin siya lalayuan. Okay lang naman sa amin yun eh.

"Akala ko lang naman kasi eh. Sorry na. Hindi ko lang naman talaga kayang sabihin." Sabi niya.

"Vince, kaibigan mo kami kaya tanggap namin kung ano ka pa at mahal ka namin." Para mag lighten up sila nagbiro ako. "Ikaw ha! Kaya pala minsan mas parang babae ka pa sa amin!"

"Nako, tama. haha" Sabi ni Jyra.

"Salamat talaga, ayan naluluha ako. Kayo kasi. Tama na nga to. Salamat ha. Mahal ko talaga kayo." Sayang tong si Vince. Gwapo pa naman. Tsk.

"Tara at sleepover na!" Sigaw naming tatlo.

Malapit nang magtapos ang bakasyon. But sadly, kung pumayat man ako, hindi halata. Bakit ba kasi ganito? Ang saklap naman oh. Nakakainis. Bakit ayaw lumiit ng katawan ko? Paano na ako magugustuhan ni Nathan nito?

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon