CHAPTER 30

380 8 5
                                    

Papunta ako ngayon sa shop ni Jyra. Dahil wala akong magawa, manggugulo na lang ako sa kanya. Sabi naman niya pwede raw kasi patapos na yung ginagawa niya.

Pagdating ko dun, nakita ko si Jyra na may kausap sa phone. Saktong pagpasok ko kakababa niya lang.

Nag beso kami.

"Sino yung kausap mo?" tinanong ko na.

"Si Vince. Pupunta din daw siya, sabi ko bumili ng food. Gutom na ako eh."

"Nagugutom ka pala bakit hindi mo pa sinabi sa akin? Ikaw talaga!"

"Ano ka ba, si Vince naman kasi lagi taga dala ko ng food eh."

"Wow. Talagang si Vince pa ah. :D baka naman straight na si Vince at nahuhumaling sa beauty mo?"

Inasar ko siya.

"Nah, he is just being a good friend. Para namang hindi mo kilala yun."

"Kung sabagay."

Pero parang mas gusto ko na maging straight si Vince, kahit hindi na si Jyra ang patulan, basta maging straight lang. Haha kasi naman, lately mukhang hindi na siya gay. At since yung first boyfriend niya nung HS, yung nakita naming naka hug sa kanya, wala na kaming nabalitaan na love life niya, then hindi pa rin alam sa bahay nila na gay siya. Pero kasi nga naman, hindi siya mukhang gay eh

Anyways, ilang minuto pa kaming nag-usap bago dumating si Vince na may dalang maraming pagkain! Naka ramdam din ako ng gutom eh. Hahaha. Takaw ko talaga. Pero I'm trying to maintain my figure na. Mahirap nang bumalik sa pagiging chubby no.

Then, kinwento ko sa kanila yung nangyari sa amin sa mall at yung pagpunta ko sa bahay nila.

"Nako Dria, ang daming naging girlfriend niyang si Kurt. Papalit palit eh. Puro short time." Sabi ni jyra. "Pero hindi mo nga rin masisisi, ang gwapo niya ngayon eh!" Kinilig pa!

"So hindi ka na galit sa kanya dahil sa ginawa niya kay Dria dahil gwapo siya? Ganoon?" Si Vince ang taray. Hahaha :))

"Hindi naman sa ganoon no, kaso ang gwapo kasii. Sarap maglaway. Yummy!" ang kulit ni Jyra! Haha.

"Ikaw talaga, ang hilig mo sa gwapong lalaki." Si vince ulit.

"Bakit ikaw, hindi?" tanong ni Jyra.

"Tama na nga yan guys, nakakainis kaya yun! Ang filingero pa  rin hanggang ngayon." Umasim mukha ko.

"Kailan ba kasi naging hindi Dria? haha" tawa pa nga si jyra.

"Nako, kung nakita niyo lang kung paano siya puluputan nung babae, nakoooo!"

"Bakit naman pati iyon nakasama pa ha? Ikaw Dria ha! Baka naman buambalik na naman feelings mo sa kanya?" sabi ni Vince.

Hala! Bakit ko pa kasi nasabi yun? Arg.

"Hindi no! Over my dead sexy body!" Tinaasan ko pa sila ng kilay.

"Sexy pa nga. Psh.  Mag plano na lang tayo ng outing. :D Para masaya mag beach tayo!" Sabi ni Jyra.

"Sige gusto ko yan!!!" sabi ko naman.

"May beach resort ang tito ko, maganda dun, exclusive!" Sabi ni Vince.

"Sige! Go na tayo. Kaso kailan?"

"Kapag lumuwag na sched namin ni Jyra. Eh ikaw naman kasi walang ginagawa." Sabi ni Vince,

"Sabi ko nga db? HAHA. okay. Basta sabihan niyo na lang ako!"

After ilang days pumasok na ako sa company namin. Bored na talaga ako sa bahay eh.

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon