CHAPTER 16

322 11 3
                                    

For the past few days, lagi kaming magkasama ni Kurt. Si Jyra at Vince ay busy din naman sa kani kanilang mga buhay. Lalo na si Jyra kay Mark. Si Vince kasi wala nang naging bf after nung una.

Si Kurt, extra sweet talaga. May times nga na magtetext siya sa akin tapos all day na yun, hindi kami nauubusan ng kwento. Sabay na rin kaming pumapasok at umuuwi. Minsan kasama namin sina Jyra.

Nagpaalam nga pala siya sa parents ko kung pwedeng manligaw.

Nagkaroon sila ng boy's talk kasama ang mga kapatid ko, nag approve din naman sila.

May tiwala na sila kay Kurt. Asar ang inabot ni Kurt kay Kuya Argie, kasi naman, remember sabi niya dati hindi niya ako liligawan. Ayan tuloy kinain niya ang sinabi niya.

Tonight ay may tutor ulit kami. Hindi naman karamihan ang pag-aaralan namin ngayon kasi malapit ng mag prom.

"Sweetheart, tara na. Para matapos na natin to." Sweetheart, yan na ang tawag niya sa akin. Pero ako, hindi pa. Aba kami na ba ha? Haha. Hindi ko alam kung kailan ko siya balak sagutin, kasi isang buwan pa lang siyang nanliligaw eh.

Hinila niya ako sa may garden namin. Kami lang at si Kuya Argie sa bahay. Si mom and dad, nasa work.Then si Kuya Arvic, busy sa pag-aaral. Graduating eh.

Medyo madali lang yung lesson kaya natapos na kami. Nakaupo kami sa may swing sa garden.

"Ang ganda no?" Sabi ko habang naka tingin sa stars sa langit. Ang kinang nilang lahat. Pero mayroong mas nakakalamang.

"Oo nga eh, ang ganda. Hindi ko mapigilang titigan ngayon." Sabi ni Kurt. Paglingon ko sa kanya sa akin siya naka tingin, at ibig sabihin sa akin sa nakatitig? Whoa. Ang cheesy niya ha. Namula ako at tumingin sa mga bulaklak.

"Sweetheart"

Eek. Ano na naman kaya ang sasabihin niya? Bakit ba kinakabahan ako? Amp ano to?

"ahm. P-pwede bang"

Ano? Kiss? Pwedeng pwede! Ano daw sinabi ko? Halatang garapal sa halik eh. HAHA. Nakatingin lang ako sa kanya eh.

"Pwede pahingi ng foods? Kahit ano. Nagugutom ako eh."

Ngisi pa siya. Basag na naman ang moment ko. Napa buka ata bunganga ko sa shock. Akala ko naman kasi kung ano na db? Psh.

"Hay, ikaw  talaga. Tara dun tayo sa kitchen."

Sabay tayo at lakad ako.

"Bakit parang na disappoint na ewan ka? May ineexpect ka bang sasabihin ko?"

Nilingon ko siya at nakita ko siyang naka ngisi.

Kumuha na ako ng slice ng chocolate cake with Vanilla frosting. Yum!

"Wala no, ayan kain ka na lang."

Mukha namang na excite siya sa cake. Kinain niya na at nakita kong nasarapan siya.

"Sweetheart, saan niyo binili to? Ang sarap eh. Kaya ka siguro tumataba gawa nito no?"

Aba at nakuha pang mang asar matapos kong pakainin.

"FYI. Ako nag bake niyan."

Pagyayabang na sabi ko. Natigilan siya at tumitig sa akin. Maya maya ang lawak ng ngiti.

"Grabe! Ang swerte ko pala talaga sa bee ko eh. Pakiss nga diyan." Ngumuso pa.


"kung sinasampal kaya kita?" Taas ng kilay.

"joke lang, ikaw naman hindi na mabiro. Mag bake ka ulit ng ganito para sa akin oh."

Kumuha pa ng isang slice ng cake. Aba. Haha nasarapan nga. Kasi naman hilig ko talaga ang ganyan. Ang mag bake ng kung anu-ano. Hindi naman ako taga kain eh, minsan lang. Taga bake lang talaga ako.

"Sineswerte ka naman talaga?"

"Oo naman. Mahal mo ako eh." Nag pout pa.

Ay ang kulit niya ha.

"Ay kailan ko sinabi sa yun? Feelingero ka ng sagad sagad ha!"

Ngumisi lang siya.

Natapos na siyang kumain at pumunta kami sa sala. Nanuod muna kami ng movie kasi 7 pa lang naman. Kaso hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.

KURT's POV

Nanunuod kami ng movie ngayon. Grabe ang sarap nung cake. Sinong magaakala na may talent pala sa ganoon tong si Sweetheart.

Maya maya naramdaman ko na may dumantay sa balikat ko. Si Sweetheart pala. Ayun tulog na, eto talaga oh.

Naamoy ko ang buhok niya, ang bango talaga. Parang hindi pinagpapawisan eh. Nakabuka pa bibig eh. Ano ba tong babaeng to? Walang manners.

Tinry kong isara ng ilang beses kaso bumubuka talaga ng kusa. 'Wag na, nakakapagod lang eh.

Tiningnan ko yung paa at kamay niya. Ang haba ng mga daliri at kuko niya. Yung kuko niya hindi mahaba kasi pinahaba, kung hindi sadyang mahaba lang. Yung kuko niya sa paa ang cute. Kasi sagad ang pagkakagupit parang mga malalapad na boxes.

Hinawakan ko yung kamay niya. Ang ineexpect ko malambot. Pero hindi eh. Medyo magaspang. Gumagawa ba siya ng gawaing bahay? Kung sabagay wala naman sa mukha niya ang sinanay sa buhay prinsesa. Masarap ngang hawakan yung kamay niya eh. Nakakatuwang hawakan yung kalyo niya sa daliri dahil sa pagsusulat. Halatang madiin magsulat eh.

Yung legs niya naman nakita ko, oy teka, hindi ako pervert. Naka shorts siya ng mga isang dangkal mula sa tuhod ang haba. Maputi ang legs niya, at maganda ang hubog. Kaso may mga peklat sa tuhod. Halatang malikot nung bata eh. Pero hindi naman nakaka pangit sa kanya. Kasi hindi masyadong halata.

Haay. T-teka, ako din ata inaantok na. Pikit lang ako sandali. *yawn* S-sandali lang...zZzZzZzZ

DRIA's POV

Ang ganda ng panaginip ko. Binigyan daw ako ng pink roses ni Kurt. Woo. Then lumapit ang mukha niya sa akin, ang lapit. Pumikit ako. Maya maya, may naramdaman na akong something sa labi ko.

Pero teka, hindi naman ata to lips ni Kurt. Kasi ang gaspang eh. Ano ba to? Teka, parang kamay eh, iniipit yung labi ko.

At nagising na nga ako, nakita ko si kuya Argie na pinagdidikit labi ko, yun pala ang naramdaman ko!

At ako naka sandal pala sa balikat ni Kurt. SI Kurt magigising pa lang kaya umalis na ako sa pagkaka sandal. Ihh. Bakit ba ako naka sandal sa kanya? Ay naman. Nakakahiya. >.<

"Dria bunganga mo papasukan na ng langaw. Hoy, kayong dalawa ha. Ano yang may pasandal sandal pa kayong nalalaman? Pareho pang tulog ah." Nang-aasar tingin ni kuya.

Walang magsalita sa amin kasi parehong bagong gising, -.-

"Hoy Kurt, umuwi ka na, 9 pm na oh." Turo ni kuya sa clock. Shiz. 9 pm na pala. Tagal din naming natulog.

Tumayo na kami at hinatid ko siya sa gate.

"Night Sweetheart. Sarap ng tulog mo sa balikat ko no?" namula naman ako dun.

"asus, nahiya pa nga siya, samantalang yang bibig mo bukas na bukas." Talagang pinaalala pa? Amp. Pero teka, kung gising pa siya nun bakit hindi niya tinanggal ulo ko sa pagkaka sandal sa kanya? Baka naawa? Haha whatever.

"whatever Kurt. Uwi na. Bye." Nginitian ko.

Ngumiti din siya

"Night Sweetheart ng buhay ko." Kinurot niya ang pisngi ko at nag bike na siya pauwi.

Kinilig na naman ako dun. Kurt, wag ka ngang ganyan sa akin. Baka ma fall na ako sayo eh hindi pa ako sigurado kung totoo yang feelings mo para sa akin. Hay Kurt.

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon