CHAPTER 33

338 9 0
                                    


Matagal na akong naka uwi dito sa bahay at bukas pwede na ulit akong pumasok sa trabaho. Ang dami ko nang na miss na trabaho at si Kurt ang nag shoulder lahat nun.

Speaking of Kurt, lagi siyang dumadaan dito sa bahay. Laging may dalang fruits at flowers. :)

Tinatanong ko siya kung para saan yung ginagawa niya, sabi niya sadyang bumibisita lang at nagkikibit balikat lang.

Nagke-kwentuhan kami at konting usapan about sa business, pero konti lang kasi baka daw masama pa sa akin.

Ihh. Thoughtful eh! :D

Dumalaw sa akin sina Jyra nung isang araw at sinabi sa akin kung gaano ako binantayan ni Kurt. Inaasar asar pa nga nila ako na baka "Muling ibalik" ang story namin. Haha natatawa na lang ako sa kanila. Kung nakita ko lang daw sana kung paano nag-alala si Kurt sa akin.

Aish! Ayoko nang isipin at ayoko nang umasa.

At isa pa hindi pa nawawala sa isip ko yung ginawa niya sa akin dati.

Pero hindi na ata ako galit. Shiz! Ewan ko! Pati ako naguguluhan eh!

Nakaupo ako ngayon sa sala at hinihintay kong dumating si Kurt.

Maya maya pa ay dumating siya na gwapo as always and have a big smiling face. :D

Nahawa ako kaya napangiti na rin ako.

"hey you. Feeling better?"

Umupo siya sa tabi ko.

"Oo naman. Ilang araw na rin akong nandito sa bahay at nakakatamad na."

Nag pout ako.

"You are so cute when you do that."

"Do what?"

"The pout thing. haha"

Then he smiled.

We talked about random things and he stayed for dinner.

Okay na naman siya ulit sa mga parents at kuya ko, pero meron pa ring gap. Pero still nagtatawanan at nagbibiruan sila. Ang mga topics ay about sa business then napunta sa akin.

"So hija, can you drive tomorrow?"

Drive? Arg. I feel a little afraid when I think of driving. Nagka  phobia ata ako, pero konti lang naman.

"Uhm. D-drive dad?"

"Oh I see, you are a little afraid of driving, I'll just get you a driver."

"Thanks Da-"

"Uhm tito, I can do that. Susunduin ko na lang po at ihahatid si Dria dito sa inyo."

Wow. Kurt? Ikaw driver ko? Gwapong driver mo naman! Hahaha. Dria! STOP! >.<

"Really hijo? That would mean a lot to us."mom said.

"Er Dad, pwede naman sa amin ah!" Si kuya Arvic.

"Sayo? Eh ang bilis bilis mong magpa takbo ng sasakyan. Baka lalo lang matakot tong si Dria." Si dad. Napatahimik naman si Kuya. Haha. totoo kasi yun, kahit kasi bagalan niya, mabilis pa rin eh! Kapag talaga kasama ko siya sa sasakyan napapakapit ako sa gilid.

"Mabilis ka pala magpatakbo eh! Eh di sa akin na lang dad!" Si kuya Argie naman. Tapos nginisian pa si Kuya Arvic. Si kuya Arvic naman mukhang naiinis.

"Tapos sa likod siya uupo kasi nasa front seat babae mo?" dad ulit.

Sapol ka ngayon kuya! Hahaha. Babaero kasi si Kuya Argie.

"Dad naman. Hindi ako babaero no." Sabi pa ni kuya na akala mo anghel.

"Hoy Argie tigilan mo na. Mas okay na rin yung si Kurt ang makakasama ni Dria. Alam kong safe siya. And besides they have a project together. Madadagdagan ang oras nila na magkasama at mapapadali ang pag-aayos ng project." Dad said.

Hindi na naka angal ang mga kapatid ko. :D

After eating dinner we talked about some business and Kurt went home.

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko.

Paano kung bumalik lahat ng feelings ko sa kanya? Ayoko na. Natatakot na kasi akong masaktan pa ulit.

Baka sa pangalawang beses hindi ko na kayanin.

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon