CHAPTER 8

478 11 1
                                    

Basag na naman ang magandang moment na yun. Sino pa nga ba ang babasag kung hindi si Kurt lang naman.

"Ano bang pakielam mo ha?"

"woo. May girlfriend na yung tao wag mo ng pagpantasyahan."

Inirapan ko nga. Ano bang alam neto ha?

"Pwede ba, kung anu-ano yang pinagsasasabi mo. Walang sense."

"Ako pa nga ang walang sense, halatang kinikilig ka nung nasabihan ka ng cute eh. Obvious oh."

Sampalin ko na to eh. Naka smirk pa.

"Whatever. Bell na. Diyan ka na nga. Hmp."

At naglakad na ako papunta ng room. Buti na lang at wala pa yung teacher namin. Umupo na ako at maya maya dumating na din si Kurt. Kainis to. Tumingin sa akin sabay smirk, inirapan ko nga. Kainis eh.

Ang boring ng klase, hindi naman ako antukin dahil ramdam ko pa rin yung sakit ng ngipin ko. Panis na rin ang laway ko kasi wala naman akong ganang magsalita. At si Kurt na madaldal, ayun, tulog. Lakas ng loob eh. Buti nga hindi nahuhuli kasi mukhang nakatungo lang sa binabasa niya eh reading time naman kasi talaga.

Natapos ang klase at may huling subject pa kami. Si Mr. Reyes. Siya yung sinasabi kong love teacher sa amin. Ang daming alam eh.

Dumating na siya at ginising ko si Kurt. Kaso kahit anong gawin ko ayaw gumising. Kinurot ko nga yung mukha ng pagka lakas lakas. Napatayo siya at sumigaw,

"ANO BANG PROBLEMA MO HA? ANG SAKIT NUNG GINAWA MO EH. " hala. Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa akin. Nakakatakot.

Hindi naman ako makasagot. Nakatitig lang ako sa kanya. Paglingon ko sa paligid lahat sila nakatingin sa aming dalawa. Pati na si Mr. Reyes.

"Kung LQ yan, huwag niyo na munang pag-usapan habang mainit pa ang ulo niyong dalawa. Kurt, malaki ba ang kasalanan sayo nitong si Dria? Baka naman masosolusyonan pa?" O.O nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sir. Aba naman.

Galing mag assume oh.

"S-sir, H-hindi po, W-wala po. H-hala." Nauutal kong sabi. Nakakahiya naman kasi. Napatingin ako kay Kurt at siya mukhang naaaliw lang. Aba. Nawala yung gulat ko eh.

"Sir, wala naman po kasi yun. Nagulat ko lang po kasi si Kurt, yun lang po. Hindi po kami, kaya walang LQ."

"Dinedeny ka Kurt oh!" sigaw ni Mark. Tinignan ko nga ng masama. Ano bang pumasok sa kukote nun at sinabi yun.

"tss. Gusto niya kasi secret lang relationship namin." Aba bumanat ang sira ulong to. Tawanan naman sila. Nakakahiya. Amp.

"Hala, tama na yan. Umupo na kayong lahat. At kayong dalawa, pag-usapan ng maayos ha." Naman. Pabayaan na nga. Ang kulit eh. Umupo na kami at katakot takot na irap ang inabot ni Kurt sa akin. Pero siya ngisi lang ng ngisi.

Natapos ang klase at ang boring pa din. Pagka alis ni Sir bumanat mga kaklase ko.

"Kayo na pala ha. Kaya pala sobrang lapit niyo ha!" Sabi ni Lisel.

"Che. Hindi nga kasi kami. Kinurot ko yung mukha niya para gisingin kasi tulog, eh ayun nagulat ata kasi talaga kaya napasigaw. Huwag niyo na kasing bigyan pa ng malisya." Sabi ko sa kanila.

Ang tingin naman nila hindi pa rin naniniwala. So ano pa bang magagawa ko db? The more na mag paliwanag ako baka mas lalo nilang isipin na guilty ako. Psh. Mga tao nga naman oh.

As usual, kasama ko na namang umuwi sina Vince at Jyra. Kahit sa kanila hindi ako nakaligtas sa pang-aasar. Eh kasi naman may gusto daw kasi ako kay Kurt. Eh wala naman. Ang labo kaya. Teka,

Malabo nga ba?

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon