CHAPTER 29

370 9 6
                                    


Nakaupo ako ngayon sa harap ng bahay namin. Tinitingnan ko ang mga tao na dumadaan. Merong mga binabati ako, meron namang wala lang pakielam.

Psh. Wala na kasi talaga akong magawa sa bahay. Isang linggo na lang siguro akong ganito tapos magtatrabaho na ako sa company namin.

HAY! Nakakatamad na nga ang init pa! Oven na oven ang Pilipinas eh!

Dahil mainit ngayon naka taas lang ang mahaba kong buhok, spaghetti strap ako then short shorts.

Para akong timang sa labas ng bahay namin dahil wala akong tigil ng paypay. May aircon naman sa kwarto ko pero ewan ko ba. Hindi ko talaga feel magkulong ngayon.

Naka tingin ako sa mga batang naglalaro sa labas. Noong bata pa ako wala akong mga kalaro. Hindi kasi ako pala labas ng bahay kaya wala akong kaibigan sa subdivision namin, although may kakilala, pero hindi kaibigan.

Tinitingnan ko lang sila at ang cute nila! Sana kapag nagka anak ako cute din na tulad nila. Haaay. Napangiti na lang ako.

"Ang sexy mo namang baliw diyan."

Napalingon ako sa nagsalita na nasa gate namin, at sino pa nga ba iyon kung hindi si Kurt. Medyo nasasanay na ako na laging ganyan ang timing niya sa akin.

"Bakit ka nandito?" Tinaasan ko pa ng kilay.

Naka shorts lang siya at sando na black. SHEMSZ! ANG HUNK NIYA! Seryoso. Yung katawan niya may muscle pero hindi katulad nung mga nagbubuhat talaga na parang pang wrestling na katawan. Yung umaapaw sa muscle. Turn off kasi yun eh. haha

"Gusto ko lang? Masama?" Ngumisi pa.

"Oo, masama. Lumayas ka na." Sinabi ko at pinaypayan ko ang sarili ko.

"May utang ka pa nga sa akin eh."

Utang? Anong utang? Ay! Oo nga pala, yung bayad sa frapp! Nakalimutan ko rin naman kasing dumaan sa kanila. At nahihiya din kasi ako sa mga magulang niya.

Jusko. Halagang magkano lang talagang ipinunta pa dito?

"Grabe, babayaran ko talaga?! Hindi ka man lang gentleman? Psh. Wait, kukuha ako ng pera."

Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko! Napalingon naman ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. Maganda pa rin pala ang mata niya, in all fairness. Pero hindi fair na sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita, lalo pa siyang gumwapo.

Inalis ko na yung kamay ko.

Masyado na kaming nagkatitigan. At yung puso ko, bumibilis na naman ang tibok. Hindi na dapat to eh! Kasi wala na akong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko na siya mahal!

"Ikaw, naman, hindi ka na mabiro." Sinabi niya at tinawanan pa ako.

"Eh anong pinunta mo dito aber?"

"Tinatanong nina mama kung kailan mo daw ba sila dadalawin."

Nagulat naman ako dun. Actually may mga pasalubong ako sa kanila. Kaso hindi ko lang talaga alam kung paano ako pupunta sa kanila na walang awkward feeling between us.

"Hmm. Sige, ngayon na. Tara punta tayo sa inyo. Saglit lang ha."

Sinabi ko sa kanya at tumango lang siya.

Pumasok na ako sa loob at kinuha ko yung mga pasalubong ko sa kanila.

Paglabas ko tuloy tuloy lang ako sa gate, pero tinawag niya ako.

"Ano na naman ba?"

Pagtingin ko sa kanya naka kunot lang ang noo niya.

"Anong ano na naman ba? Akala ko pumasok ka sa loob para magbihis."

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon