CHAPTER 15

336 9 1
                                    

KURT's POV

P.E ang subject namin ngayon. Masaya sanang mag P.E kaso footwork naman ang gagawin namin, buti ba sana kung basketball eh di sana naeenjoy ko pa to. Psh. Katamad tamad.

Tinignan ko si Dria. Namumutla siya o baka akala ko lang yun dahil sa sikat ng araw?

Naalala ko, may pustahan nga pala kami ng mga kaibigan ko kanina.

Babayaran nila ako kapag hindi naging kami ni Dria.

Alam kong ang weird ng pustahan namin kasi it should be the other way around. Pero alam ko kasing wala kaming pag-asa pero sila iniinsist na magiging kami.

Pero alam kong hindi. Kaya 10 K, mapapasa akin ka soon.

Ang deadline nito ay after prom. Para mahirapan ako, kailangan kong maging sweet kay Dria. Siyempre ang dali naman ng pustahan kung ganun lang. Kailangan ako yung magpapakita ng interes sa kanya.

Alam kong medyo foul tong pustahan na to, pero alam ko naman kasi na hindi niya ako magugustuhan eh.

Pabalik na si Dria pagkatapos ng dalawang ikot niya ng footwork, iba talaga ang itsura niya eh. At maya maya nakita ko siyang mahuhulog na, buti na lang ako ang malapit sa kanya at bago pa siya mahulog sa lapag ay nasambot ko na siya.

"Dria!" Napasigaw ako.

"Dria! Omgosh!" Si Jyra yung sumigaw.

Pinaypayan nila si Dria wala pa rin talaga, kaya sinabihan na ako ng teacher namin na dalhin siya sa clinic.

Ang pagbuhat ko sa kanya ay yung parang sa bagong kasal.

Tinitigan ko ang mukha niya, ang putla talaga. Aish. Kasi naman. Hindi pa siguro to kumakain tapos nababad pa sa araw.

"Ikaw talagang taba ka, tinakot mo ako ha. Aish. Bakit ba hindi ka kumain ng lunch? Halata naman kasing bawal ang nalilipasan ng gutom sayo oh."

Ngumisi pa ako. Parang nakikita niya. Siguro kapag sinabi ko sa kanya yun ng gising siya baka inirapan na naman ako nito.

Pero seryoso. Natakot ako. Ang putla niya kasi talaga.

Hindi naman pala siya kabigatan. Ayos lang. Ang ilong niya katamtaman lang ang tangos. Mahaba ang pilikmata niya at mapupula ang heart shaped niyang labi. Sino kaya ang first kiss niya?

KURT! Bakit mo ba iniisip yan ha? Bakit? Gusto mo ba na ikaw nag first kiss niya? Leche. Bakit ba ganito naiisip ko?

Sa ilang buwan na tinuturuan ko siya, naging close na ako sa pamilya niya lalo na kay Argie. Hindi ko na tinatawag na kuya kasi isang taon lang naman ang tanda niya sa akin.

Hindi kami masyadong naging close ni Dria dahil ako na rin siguro ang dumidistansiya. May mga nakakatuwang habit nga siya eh.

Kapag hindi niya maintindihan yung sinasabi ko, kakagatin niya ang labi niya tapos gagalaw galawin ang tenga niya.

Pakiramdam ko nga hindi niya napapansin na ginagawa niya yun eh.

Nakarating na kami sa clinic at binaba ko na lang siya sa girl's room. Ang himbing ng tulog niya.

Para siyang anghel, pero kapag nagising, nevermind, lol. Pero ang cute niya kapag natutulog.

Sinabi ko sa nurse ang nangyari at sinabi niyang pwede na akong umalis.

Music naman ang next class, mag cut na ako. May punong malapit sa clinic, dun muna ako, wala naman sigurong makakakita sa akin dito. Matutulog muna ako. Hihintayin ko siyang makalabas.

Nagising ako kasi may kumakagat sa akin na kung ano. Tinignan ko sa relo ko kung anong oras na, 4 na pala. Aish. Baka naka alis na yun. Tagal ko pa lang nakatulog.

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Maglalakad na sana ako nang sumabit ang pants ko sa halaman dun at napahiga na naman ako.

Pagtayo ko ulit nakita ko si Dria na takot na takot at mukhang tatakbo na.

Nginisian at tinawag ko.

"Sweetheart."

DRIA's POV

Si Kurt lang pala! Eto talagang lalaking to. Tinakot ako.

Pero teka, may tinawag siya sa akin eh.

"Ano yun? "Sweetheart"? At bakit mo akong tinawag na ganun? Ang bata pa natin para sa ganong tawagan." >:(

Ay nagtanong pa talaga ako? Haha hindi ko mapigilan eh.

Sabay kindat. "At dahil gusto ko lang. Masama?"

Papalapit na siya sa akin. Gwapo niya kahit mukhang bagong gising. May dahon pa sa buhok eh. Patawa talaga to.

"Oo, masama. Kasi hindi naman tayo at lalong hindi mo ako nililigawan no. Ew" Nag pout pa ako. Kasi parang masama ang loob ko na hindi niya ako nililigawan. Ano daw? Siyempre joke lang yan.

Joke nga lang ba? Hay nako Dria. Ano ba ha? SI Nathan ang crush mo!

"Eh di para pwede na, liligawan na kita. Pwede ba?" Tumingin siya sa akin ng nakakalusaw. Parang sincere eh.

Tinaas ko ang kamay ko para tanggalin yung dahon na nasa buhok niya. At sasagot na sana ako kaso biglang,

Bgrrrrr.(kumukulong tiyan. HAHAHA pano ba yan?)

Okay, yung tiyan ko kumulo na. Shiz ang wrong timing naman oh. Babarahin ko pa sana siya ng hindi pwede at nang wag ako niloloko niya kaso ayan na oh. Shiz. Kainis.

Tumingin ako sa kanya at siya ay natatawa na ewan. Ang cute niya, grabe.

Hinila niya ako papunta ng canteen.

"ikaw talaga, alam mo namang hindi mo kaya ang nalilipasan ng gutom. Paano na yang mga bulate mo sa katawan? Kawawa naman." Tinulak ko nga, yabang eh.

"Ikaw, napaka sama mo."

Tinignan ko ng masama at nag smirk lang. Pagdating namin sa canteen ay bumili siya ng sandwich at muffins. Then kumain kaming dalawa.

Extra sweet siya ngayon kasi halatang may care na siya sa akin. Pero, totoong care ba 'to? Paano kung niloloko niya lang ako? Ang hirap kasing maniwala eh. Na dati parang wala lang siyang pakielam sa akin tapos ngayon biglang sweet. Bipolar ata to eh. Hay.

Umatake na naman ang pagka sweet niya. Sinubuan niya ako ng muffin. Uwian na pala, kasi may mga estudyante na. Yung iba pinagtitinginan na kami. Kasi ang sweet niya talaga.

Natapos na kaming kumain at kinuha niya yung gamit ko. Sabay na daw kaming uuwi. Tinext ko muna sina Jyra at Vince na si Kurt na ang kasama kong umuwi.

As usual inasar na naman nila ako. Pero teka, hindi pa ako pumapayag na ligawan niya ah? Pero sabagay mas gusto ko na yung gumawa na lang siya ng move. Nahihiya kasi akong umoO. >.<

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon