CHAPTER 18.1

352 9 9
                                    

KURT's POV

Prom na. Hay. Kinakabahan ako. Sino ba naman kasing hindi kakabahan eh ang dami kong plano para sa gabing 'to para kay Dria. :D

Tuwing naiisip ko siya napapangiti na lang ako. Yak! Ang cheesy ko! Ako ba ito? Yak talaga!

Nandito ako ngayon sa may baba ng hagdan nila at hinihintay siyang bumaba. Naka pink suit din ako, pero hindi naman yung sumisigaw na PINK AKO! Yoko nga ng ganun, yung style niya eh light pink lang.

Ang gwapo ko talaga! HAHA! Ganyan talaga. Kailangan maniniwala ka na gwapo ka!

Kinakabahan talaga ako, at lalong dumagdag ang kaba ko nang makita ko si Dria na pababa mula sa hagdan.

Nagulat ako, kasi ang ganda niya. Kahit ang simple ng suot niya at elegante, ang ganda pa rin talaga niyang tingnan.

Ayokong ipahalata sa kanya na nagandahan ako sa kanya, kasi baka lumaki ulo! :D haha.

Umalis na kami at sumakay sa sasakyan, inalalayan ko siyang pumasok at sa buong byahe walang nagsasalita sa aming dalawa.

Yung tibok ng puso ko ang bilis pa rin. Yak talaga! This is so gay!

Nakarating na kami sa venue at nang pumasok kami pinagtitinginan kami. Sino ba naman kasi ang hindi mapapalingon eh ang ganda naming couple!

Nagsimula na ang prom at ang first dance ko dapat ay si Dria.

"Sweetheart, can I have this dance?" ang lapad ng ngiti ko sa kanya. Yung tipong malulusaw siya. :D

Ang kanta ay I'll be at dinala ko siya sa gitna ng dance floor.

Tinitigan ko siya, at ang ganda niya talaga ngayon.

"You look cute in pink" sabi niya sakin.

"Ganyan talaga kapag gwapo, lahat ng isuot bagay." Nginisian ko lang siya. Siguro naghihintay ng compliment to eh. Haha. Yoko nga. :D

Natapos ang sayaw at iniwanan ko na siya. Marami pa akong dapat ayusin at babalikan ko na lang siya mamaya.

Nag punta na ako sa soccer field kasama ang mga kaibigan ko, si Gee, David at Jay.

Mukhang maayos na naman lahat, yung mga lanterns nasa mga lugar na. Mamaya na sisindihan kapag malapit ng matapos ang prom.

Bumalik ako sa dance hall para tingnan si Dria. Baka kung sino sino na kasi ang kasayaw eh!

Mag aannounce na ng Prom King and Queen. Wala naman akong masyadong pakielam diyan eh.

Nakatayo lang ako sa malayo nang biglang tawagin ang pangalan ko at pangalan ni Dria!

Shiz! Wala naman sa plano ko ang magpakita kay Dria eh.

Pero wala na nandito na ako. Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa dance floor. Pinatugtog ang lips of an angel, alam kong favourite niya din to eh.

Nakita kong parang ang saya niya, haha hindi niya siguro akalain na magiging prom queen siya.

"Ang saya mo no? Prom queen ka eh." Nginisian ko pa siya. Haha.

"Eh ikaw, saya mo din kasi prom king ka."

Hindi na ako sumagot at tintigan ko lang siya.

Nang matapos ang kanta at nang paalis na ako, bumulong ako sa kanya na mamaya mas sasaya siya.

Umalis na naman ako para mag simula na sa pagsisindi ng lanterns. Siyempre kasama ang mga kaibigan ko with the help of some of my parents' people.

Naka ilang sunog ata ako ng lantern bago ko nakasanayan! Nakakainis. Ang bilis mag apoy ng papel. At medyo natagalan kami.

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon