CHAPTER 63

10 0 0
                                    

DRIA'S POV

I feel like I'm floating. Sobrang gaan, walang iniisip. Walang iniinda. Madilim ang kapaligiran, pero hindi ako natatakot. Wala akong maramdaman pero kampante ako.

Ano nga ba ang nangyari sa akin? Bakit ako nandito?

Ilang Segundo pa akong nagmasid bago ako nakarinig ng iyak ng sanggol.

Sanggol. Sanggol. SANGGOL!

Ang anak ko! Nasaan ang anak ko. Nagmamadali kong hinanap ang pinanggalingan ng iyak ng bata. At Nakita ko ang isang batang lalaki. We made eye to eye contact. His eyes are a lot like me. The chinky eyes and how they twinkle. The rest are Kurt's.

And there he was. Carrying our baby and he looked tired but happy. Very happy.

He then sat beside me and talking to our baby

"Kaiden, this is your mommy. Mommy's resting and she needs to regain her strength. When she wakes up for sure hindi ka niya titigilan." He smiled with tears in his eyes.

I wanted to shout but no voice came out of my mouth. I wanted to assure him that everything's gonna be okay. That I'll be okay but I feel helpless. I tried reaching out with no success.

I shouted and begged; "Please, gusto ko na sila makasama. Please." Iyak ako ng iyak when I felt this sudden pull the next thing I knew, I am waking up with a very bad headache.

Kurt is holding my hand and he is asleep.

"Kurt-t" I tried calling him at paos ako. Hi stirred and opened his eyes.

"DRIA!" He cried at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko iiwan mo na kami ni Kaiden."

"Nasaan si Kaiden? Nasaan siya?" Nag panic ako nang hindi ko siya Makita sa kwarto.

"Nasa labas at pinapaarawan ni mommy. You'll love him! Lahat ng features sakin! Pero he has your eyes." He said at hinalikan ako sa noo. Nang bigla kong naalala si Lizzie.

"Si Lizzie? Nabaril siya db? Is she okay?" I saw Kurt's eyes darken.

"She's okay. Bakit ka ba nag aalala sa kanya? She almost killed you! At kung nagawa niya yon, ako ang papatay sa kanya!" Sa lahat ng beses na Nakita kong nagalit si Kurt, ngayon siya pinaka seryoso. May kumurot sa puso ko pero ayokong umasa. Masakit umasa.

"Kailangan niya ng tulong, at okay lang ako." Bigla akong nalungkot habang tinitingnan ko ang mukha niya, Hindi naman to permanente. Ayokong umasa na pwede pang maayos ang relasyon namin. Hindi ito ang tamang panahon, pero hindi ko na rin kayang patagalin.

"Kurt, paki sabi sa mga magulang ko na kuhanin lahat ng gamit ko mula sa Bahay mo. gamit naming dalawa ni Kaiden" PInilit kong hindi maputol ang boses ko. Kailangan kong maging matatag.

"Bakit Dria? Ano pa bang problema? Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Dria bakit?" Nasasaktan ako na nakikita kong nasasaktan si Kurt, pero bakit ba siya ganyan? Hindi ba dapat ako ang mas masaktan sa aming dalawa?

"Kurt, alam natin na hindi naman talaga kasal to. Napilitan ka lang kasi may Kaiden tayo, Pero gusto kong malaman mo na pinapalaya na kita. Mahal kita Kurt. Kaya gusto kong maging masaya ka nang hindi tinatali sa responsibilidad mo sa amin. Kaya kong palakihin mag-isa si--" Ngunit pinutol ni Kurt ang sinasabi ko, Galit na galit siyang nakatingin sa akin pero may panlulumo.

"Dria?! Ano bang sinasabi mo? Bakit kayo lalayo? Bakit mo ilalayo sa akin ang anak ko? Hindi ko na alam kung ano ang naglalaro diyan sa isip mo. Pero parang awa mo na makinig ka." 

Natatakot ako sa susunod na sasabihin ni Kurt, pero hindi ko inasahan ang sasabihin niya.

"Dria, mahal na mahal kita. Mula pa pagkabata ikaw na ang mahal ko at ikaw lang ang nag iisang babae na minahal ko. Kahit pa niloko mo ako noon. Kahit si Nathan talaga ang gusto mo" Nagulat ako sa mga sinabi ni Kurt. Si Nathan ang totoong mahal ko?

"Kur--" Tinangka kong linawin pero pinigilan niya ako.

"Shh, ako muna. mahal na mahal kita at sobra akong nasaktan noong nagkahiwalay tayo kaya yung saya ko nung nagkita tayo uli? Hindi mo alam kung gaano. Lalo na at madali ka pa ring asarin at toyoin. Ang naging kasal natin ay hindi traditional. Oo noong una pinagkasundo ka sa akin ng mga ama natin. Pero tinanggihan ko ang papa mo. Dahil gusto ko na maging tayo nang walang ganoong kondisyon, Gusto kong makasal sayo, tayo dahil mahal natin ang isa't isa. Si Kaiden hindi natin inaasahan, pero sobrang saya ko na dumating siya sa buhay natin. Kaya please Dria, Mahal na mahal kita kaya sana maniwala ka." Naiiyak na sabi ni Kurt at hindi ko namalayan na umiiyak na ako. niyakap ko siya nang mahigpit. Sobrang higpit sa takot na mawala ang sandaling to.

"Kurt, hindi kita niloko. At kahit kalian hindi ko minahal si Nathan. Kaya ka ba nakipaghiwalay dahil akala mo niloko kita? Kurt hindi. Mula noon, hanggang ngayon, Ikaw at ikaw lamang ang mamahalin ko Kurt." 

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa mga labi.

"Hindi ko alam Dria, God hindi ko alam. Nag assume ako nang hindi kita kinakausap ng maayos. Masyado akong nasaktan pero mas lalo kitang nasaktan." Puno ng panghihinayang at sakit ang boses nito.

"Shh, tapos na lahat iyon. Ang importante ay magkasama tayo at may bunga na ang pagmamahalan natin kahit gaano pa ka komplikado. Mahal na mahal kita Kurt." At hinaplos ko ang mukha niya.

"Mahal na mahal kita Dria. Mahal na mahal." At mahigpit akong niyakap.

Maya maya pa ay ipinasok na si Kaiden, ang anak namin. Hindi ko na alam kung may papantay pa ba sa sayang nararamdaman ko. Buo ang pamilya ko at mahal ako ng asawa ko. Sana hindi na matapos ang mga sandaling to.

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon