CHAPTER 3

660 15 3
                                    

Hello canteen. Ang daming tao, kasabay pala namin mag recess yung 2ndyear. Eh 30 mins lang naman yung recess. Pumila na kami ni Jyra, malapit na sana kami kaso may sumingit. Si Alexis. Kakilala pala niya yung mga 2nd year sa harap namin kaya ang lakas ng loob sumingit. Tss. Landi mo.

"Ano ba naman yan. Kainis lang ha." Sabi ko kay Jyra. Nakataas pa ang kilay ko eh.

"Oo nga eh, kanina pa tayo nakapila. 15 mins na lang time na eh." Sabi din ni Jyra. Siguro gutom na din to. Haha.

Si Alexis na ang bumibili, ampusa, kailangang landiin yung nagbebenta? Bakit pati yan pinatos?

Nakakainis, si kuya naman kung maka ngiti akala mo naman kakilig kilig si Alexis. Tss. Umalis na si Alexis at kami na Jyra ang bumili. Parehong Sandwich lang ang binili namin kasi malapit na mag time. May makain lang kami okay na. Naglakad kami papunta sa room habang kumakain. Medyo nagkwentuhan kami.

"Taga saan ka?" Sabi ko kay Jyra.

"Southville Subdivision lang ako, mga 10 mins yun from here." Sabi niya habang nakangiti.

"Talaga?! Taga doon din ako eh! Bakit hindi kita nakikita?" Gulat kong sabi. Eh kasi naman db. Dun din pala siya nakatira pero hindi ko siya nakikita.

"Ikaw din pala! Eh hindi kasi ako pala labas ng bahay. Kaya ganun." Sabi niya.

"Ay kaya pala! :D Sabay na tayong umuwi mamaya!" Sabi ko naman sa kanya,aba ang galing naman, may kaibigan na nga ako agad kapitbahay ko pa. :D

"Osige, halika, bell na." Nag bell na nga.

Pagpasok namin sa room nandoon na halos lahat. Umupo na kami at nagsimula na naman yung adviser namin. Hay, sana matapos na tong araw na to.

Huling subject na, at nung mag bell, tayo agad ako. Yes, makakauwi na din sa wakas. Siyempre kasabay ko ng umuwi si Jyra.

Sa mga sumunod na araw, ayos naman. Medyo maingay na sa room. Nag-aasaran na rin at walang katapusang daldalan. Lagi na rin naming kasama si Vince tuwing recess, lunch at uwian. Taga Southville din siya eh. What a small world right? Pero si Vince kakalipat lang pala. J

May isa kaming teacher na adik na ata sa love life ng mga kabataan ngayon. Eh kasi naman lagi niya kaming sinasabihan ng tungkol dun. Na dapat daw maghintay kami sa tamang oras, at kung anu ano pa. Ay nako sir. Wala naman ako niyan. May crush ako, pero hello, ang labo naman na magustuhan ako nun.

Sino ang crush ko? Si Nathan. Eh kasi naman ang sweet niya kaya. Hindi siya katulad ni Mark at Chris na walang ginawa kung hindi asarin ako. Tss. Pero hindi naman ako masyadong na-ooffend kahit wagas nila akong sabihan ng mataba. Tanggap ko naman, kahit minsan nakakainis, pero hello, anong magagawa ko db.

Yun na nga, si sir pinag partner kaming lahat, partner ko si Nathan! Ang saya ko naman po talaga! :D Salamat po! Kinikilig talaga ako. Si Jyra naman si Mark ang partner. Si Vince, ayun, ang malas. Kasi si Alexis ang partner. Tss. Kawawa ka naman friend. Ang exercise na to ay sasabihin mo sa partner mo ang good and bad traits niya. Dati sa papel na pinapapasa ginagawa yun, ngayon brutal dahil harap harapan.

Nauna na si Jyra at Mark. Medyo may napapansin ako eh. Kasi parang nagkakailangan sila na hindi mo malaman. Eh si Mark wala namang hiya sa katawan yun, nakakawalangya lang. Nagsimula na kami.

"Si Jyra, mabait siya. Palangiti at Approachable. Kapag kailangan mo siya nandiyan lang siya para sayo." Naman. Mantakin mo yun, si Mark marunong pa lang mag compliment. Tss.

"Si Mark, mabait din siya, lagi akong inaalalayan. Matulungin."

"KAILAN PA? ABA SAYO LANG ATA." Sabi ng isa naming classmate at nagtawanan kaming lahat. Eh kasi totoo naman. Si Jyra biglang nag blush at si Mark napakamot na lang sa ulo.

Kami naman ni Nathan. Omgosh. This is it!

"Si Dria, mabait siya. Magandang ngumiti at matulungin" NAMAN. Kinikilig ako. Nalulusaw ako. Tinitignan niya ako sa mata. ABA. Humaba buhok ko ah.

"GANDA DAW NG NGITI OH. NGINGITI NA YAN." Dahil doon, napangiti ako. Amp. Ano ba yan. Tss. Pero kinikilig ako. Wag mag assume, layo ng agwat niyo sa isa't isa oh.

"Pwede ba guys, hindi pumapatol si Nathan sa mga matatabang tulad niyan. Ay sorry, chubby lang pala." Sabi ni Alexis. Tinignan ko nga ng masama. Aba kung makapanglait akala mo kung sino, diyosa ka ba ha? Sampalin kita diyan eh. Susugurin ko na sana, kaso sumagot si Nathan.

"Bakit? Kailangan bang maging sexy para magustuhan ng ibang tao? Para maging maganda?" Nagulat ako sa sinabi niya. Hala. Nakatitig lang siya sa akin. May posibilidad kaya? Nako. Ayokong mag assume. Masakit yun.

Natapos na ang klase sa amin. Hindi na naabutan si Alexis, aba, buti nga sa kanya, eh mukhang wala din naman masasabing maganda tungkol sa kanya si Vince eh. Tss.

Lunch na. Buti naman makakakain na ako. Aba, kailangan ko na ng energy. Pag-upo pa lang namin bumanat na si Jyra.

"Sino siya sa akala niya para ganunin ka? Nakakainis na siya ha. Akala mo kung sinong maganda." Naiinis na sabi ni Jyra. Si Jyra sa una lang tahimik, kapag close na kayo, nako asahan mo na hindi mauubusan ng kwento.

"Nako, oo nga eh. Nakakainis lang. Parang ewan lang. Tss. Insecure lang yun sa beauty ko. Ganda ko kasi. haha" Siyempre sino pa ba magtatanggol sa akin db. Kung hindi ako din. Haha dumating na si Vince at umupo. Ang laki ng ngiti eh.

"Oy babaeng chubby" naman bakit chubby? Err. "Nakita ko yun ha" nakita nag alin, teka yung titigan ba namin ni Nathan?

"Ano na naman?" patay malisya kong sabi.

"Aba nagkukunwari pa. Kung makatitig ka kay Nathan at siya sayo inam ha. Haba ng buhok mo!" Minsan, nawiweirduhan ako dito sa lalaking to, minsan kasi parang hindi lalaki. Baka naman baklush siya. Omgosh. Wag naman. Sama ko tsk3.

"OO NGA. MALANDI KA." Sabi ni Jyra, ang lawak ng ngiti eh.

"Ano ba kayo, wala yun. At hello, imposible naman kasi na magustuhan ako nun" ouch. Oo totoo yan. Ang labo kaya. Hay.

"Nay, nag emote pa si ate, hindi bagay oy. Kilig ka kanina eh." Sabi ni Jyra habang si Vince tawa lang ng tawa.

"Hoy, tigilan niyo nga ako"sabi ko habang naka pout. "Eh ikaw Jyra akala mo kung sinong malinis, aba nakita ko din yun ha." Biglang nag blush si Jyra.

"Wala kayang meron samin." Tumungo na.

"HOY. HULI KA. Wala pa naman akong binabanggit ah. Naman. Jyra huling huli oh. Vince sila na ni Mark" Sabi ko. Nakakatawa itsura ni Jyra, namumula na talaga. Nakakatuwa.

"Oo nga eh. Nakita ko yung malagkit na tinginan. Magtampo na tayo dahil hindi sinabi sa atin. Tampo na" Kunwari nagtampo kami Vince. Bigla namang tumingin sa amin si Jyra.

"Ay, wag naman kayong ganyan, eh kasi. Ahm. Kasi." Aba, ayaw pang sabihin.

"Ayaw talagang sabihin Vince oh." Sabi ko, guilty ang itsura ni jyra eh.

"Eh kasi naman nahihiya akong sabihin sa inyo. Db. Parang hindi ko talaga masabi. Kasi ang loko loko nun pero na fall ako." Nakatungo siya.

"Ano ka ba, mabait naman talaga siya, yun nga lang maloko. Pero isa na rin yun sa nagustuhan mo dun no!" Sabi ko.

"Hindi mo naman kailangang itago dahil susuportahan ka namin." Sabi ni Vince at napangiti ako sa sinabi niya.

"Talaga? Salamat ha. Sorry na. Mahal ko naman kayo eh. Wag niyo lang masyadong aasarin si Mark ha. :D" Nakatawa nang sabi ni Jyra. Biglang nag bell. Tatayo na sana ako kaso nakita ko na naman si kuya, yung tumitig sa akin nung first day of school na nakatingin sa amin buti hindi ako kinindatan pero ngumiti. Hala, weird niya. Hindi ko na lang pinansin at umalis na kami.

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon