CHAPTER 26

362 8 6
                                    

DRIA's POV

Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit. Katabi ko ngayon si Jyra. Dito na siya nag sleep over. Gusto niya raw na sa last night ko magka sama kaming dalawa.

Mamimiss ko ng sobra ang babaeng to. Namiss ko din tuloy si Vince. They have become my bestfriends, that I know I can truly trust.

Kinuha ko ang phone ko and started browsing my gallery. At eto na naman ako, looking at our pictures.

Kahit kasi ilang beses kong sabihin sa sarili ko na niloko niya lang ako, na pretend lahat, hindi ko mapigilang mag-isip na baka may nararamdaman na rin siyang something for me dahil yung happiness na nakikita ko sa mukha niya sa pictures mukhang hindi fake.

Pero teka, baka magaling lang siyang magpanggap. Oo nga pala. Magaling siyang umarte. Siya na rin ang nagsabi sa akin eh. Bakit ba kailangan ko pang umasa? 'Wag na kasi dapat ipilit ang mga ganyang bagay.

At dahil doon, naluha na naman ako. Ang sakit kasi. Ikaw ba naman ang lokohin ng taong hindi mo akalain na mamahalin mo ng sobra, ang sakit lang talaga.

Akala ko din kasi siya na hanggang sa huli.

Bakit pa ba niya pina abot ng isang taon ang panloloko niya sa akin? Hindi man lang ba niya inisip na masasaktan ako ng ganito? O talagang naeenjoy niyang saktan at lokohin ako?

Pero kahit gusto kong magalit ng sobra, hindi ko magawa. Mahal na mahal ko siya. At sana lang sa pag-alis ko mag mend na yung wound na nasa puso ko.

Basag na basag na kasi eh, pinong pino. At sana magawa kong ayusin ulit. Sana.

Nakatulog na ako.

Nagising ako kinabukasan at alam kong eto na talaga. Kailangan ko na talagang umalis.

Hindi man tama ang rason ko para dito, pero kailangan ko talaga kasi.

Nag-usap muna kami ni Jyra. At nakita kong naluluha na siya.

Kahit gusto kong umiyak hindi ko magawa, walang lumalabas na luha eh. Naubos na ata ni Kurt.

Alam kaya niyang aalis ako ngayon? May balak kaya siyang puntahan ako?

"Dria. Siya na naman ba ang iniisip mo?" Naka tingin na pala sa akin si Jyra.

"hindi ko mapigilan eh."

"Itigil mo na. Parang awa mo na."

Hindi ko siya pinansin.

"May balak kaya siyang punatahan ako ngayon?"

"At bakit naman niya gagawin yun? Para saktan ka lalo? Nako. Tigilan mo na."

Galit na siya.

"Hindi. Para mag sorry. Isang sorry lang naman niya okay na. Tatanggapin ko na."

Mukhang nagulat si Jyra sa sinabi ko.

"Ganoon na lang yun? Isang sorry lang parang wala na lahat?"

Galit na talaga.

"Jyra, mahal ko kasi talaga. Kahit sabihin mo sa akin na hindi siya ang tamang lalaki na dapat mahalin, na ang tanga tanga ko na, hindi ko pa rin kayang pigilan. Mas masasaktan ata ako kapag ginawa ko yun eh."

At ang mga luhang kanina ko pa hininhintay ay naguunahang bumagsak. Nang Makita ni Jyra yun ay niyakap niya na ako.

"Ang tanga mo Dria. Pero alam kong mahal na mahal mo lang talaga siya kaya hindi mo magawang magalit. Pero sana one day matauhan ka na at sabihin sa sarili mong kailangan mo nang mag move on. Hindi mo dapat sa kanya iikot ang mundo mo. Hindi mo dapat lalong palungkutin ang sarili mo. Lalo na't pupunta ka sa malayo, hindi kita madadamayan kapag malungkot ka. Wala kami ni Vince doon para pasayahin ka. Pero may internet naman. At kahit hate na hate ko ang facebook, araw araw akong mago-online para sayo. Basta Alexandria Jessica Sero. Mag-iingat ka. And stay strong. Mahal na mahal kita."

At sa mga sinabing yun ni Jyra naluha na naman ako. Ang swerte ko talaga sa kaibigan.

"At alam ko ring mahirap mag move on. Isa yang proseso na hindi minamadali. Kung hindi pa kaya ng puso mo 'wag mo na munang pilitin. Dahil the more mong pinipilit, lalo kang hindi makakapag move on. I guess, just let time heal your wound."

Alam ko naman na sooner or later ay kailangan ko nang mag move on. Kailangan ko na siyang kalimutan. Kahit mahirap kailangan kong gawin. Ayoko namang maging sadista sa sarili ko. Self inflicted pains na kasi ang gagawin ko kung hindi ko pa titigilan ang pagmamahal sa kanya.

Kaya sana magawa ko. Sana makalimutan ko siya. Sana. Sana. Sana.

Kahit na mahal na mahal kita Kurt Raphael Garado, hindi tamang patuloy pa kitang mahalin. Kahit mahirap at alam kong kailangan ng oras, gagawin kong kalimutan ka. Sana lang talaga makaya ko.

I hugged Jyra tight.

An hour later, pasakay na kami ng van. Umasa pa rin ako na darating siya. Pero maka alis na at lahat wala talaga.

Bye Kurt. I love you.

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon