CHAPTER 52

53 3 0
                                    

DRIA'S POV

PREGNANT????

This can't be happening! Nahilo ata uli ako. Nanlamig ang katawan ko. How can I be pregnant? Ugh! Of course Dria you had sex! Pero! Didn't we use protection?

OMG I'M PREGNANT

I'm having mixed feelings about this. I'm worried about my parents, but At the same time I'm happy. I'm gonna be a mother. And Kurt is... And Kurt is the Father.

Kurt.

"Are you okay Dria?"

Oo nga pala nandito si Nathan.

"Yes. Surprisingly I'm okay."

"Should i call your parents?"

My parents. Crap. Pano ko ba sasabihin sa kanila to?

"Nathan, please wag ka magsasabi sa parents ko. Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sa kanila."

Tumango lang siya sa akin. He understands.

"Anong plano mong gawin? Si Kurt ba ang ama?"

Nahihiya akong tumingin kay nathan. Natatakot akong makita yung judgment sa mga mata niya.  

Pero when i looked up. All I see was love.

"Yes. Si Kurt. Pero hindi ko pa alam. As you can see may ibang babae sa eksena."

"Kailangan niyang malaman to Dria."

"I know. Pero pano kung ayaw niya sa bata?"

Natatakot ako. Natatakot talaga ako na ipagtabuyan niya ako.

"Then I'll own up the baby. Aangkinin ko na parang akin"

Nagulat ako sa sinabi ni nathan. Naiiyak ako. How did I get so lucky! Bakit sa lahat ng minahal ko si Kurt pa? Bakit hindi na lang si Nathan? Sana si nathan na lang.

"You would do that for me?"

Hinaplos niya ang ulo ko.

"Dria I have loved you for so long. So long that I cannot remember anymore. Kung kaya ko lang alisin yung pain na nararamdaman mo ngayon, ginawa ko na. Gusto kong saktan si Kurt dahil ano bang pag iisip meron siya? Hindi niya alam kung gaano siya ka swerte na may  nagmamahal sa kanyang katulad mo. Dria sana ako na lang. Dria ako na lang please?"

Umiiyak na ako. Sana nga ganon kadali. Niyakap ko si Nathan. Hindi ko pa kayang sagutin yung mga sinabi niya. Pero sa mga panahong to. Sana nga si Nathan na lang.

KURT'S POV

Si Nathan! lagi na lang si Nathan. Kailan ba siya mawawala sa buhay namin? Lagi na lang siyang umeeksena sa pagitan naming dalawa ni Dria. Tapos nakita ko pa silang magkayakap kahapon? Ano ba talaga nasa isip ni Dria? Akala ko ba ako ang mahal niya pero bakit ganito?

Then umiiyak pa si Lizzy kahapon. Inaway daw siya ni Dria. Sobrang bait ni Lizzy. Ano naman kayang naisipan ni Dria? Nakakahiya.

Then as if on cue dumating si Lizzy. All smiles. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na hindi ngumiti.

"Hi Kurt!!! Sobrang workaholic mo naman."

"Hi Lizzy. Di naman masyado. Medyo natamabak lang sa work. Why did you come here"

"Wala lang. Gusto ko lang mag apologize last night. I dont know what offended Dria. Pero I still want to say sorry."

Ang bait talaga ni Lizzy. Si Dria na nga may kasalanan siya pa yung nag aapologize.

"Lizzy you don't have to apologize. Ako dapat yung nagsosorry sayo dahil sa naging attitude ni Dria. Whatever happened, ako na yung humihingi ng sorry."

"Salamat Kurt. By the way, mukhang magtatagal ako dito sa Pilipinas. Alam mo na, I missed my parents kasi"

"That's good din. Mahirap mag settle down sa ibang bansa"

"True. I feel so lonely there. Minsan nga naiisip kita."

Dun ako napatingin sa sinabi niya.

"Naiisip mo ako? Why?"

She looked at me intently.

"I love you Kurt. I don't know why it took me this long to realize it. I just love you."

Then she kissed me. I was caught off guard. I did not move for a few seconds then nung naka recover na ako, dahan dahan ko siyang tinulak palayo.

Wala akong naramdaman sa Kiss na yun. All I can think about is Dria.

"I'm sorry Lizzy. But I'm in love with Dria."

Malungkot akong tiningnan ni Lizzy,

"Well a girl gotta try db?"

She smiled at me once again.

DRIA'S POV

This is it. Kailangan kong sabihin kay Kurt to. Kailangan naming pag usapan. Kung hindi niya tatanggapin eh di babalik na lang ako sa Canada.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa office niya. Sobrang kinakabahan ako. Pinagpapawisan ang kamay ko.

Binati ko si Alex, yung assistant niya. Then I opened the door, shock is an understatement.

Lizzy and Kurt kissing. Then suddenly, it felt like highschool all over again. This time my heart did not break. But instead, I got numb and walked away. Canada it is. That will be my plan.

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon