CHAPTER 23

352 11 7
                                    

Ilang araw pa ang lumipas at walang pagbabago. Ni hindi niya nga ako tinetext. Kahit ako hindi ko siya tinetext. Aba dapat mauna siya. Alam kong mali na ganoon ang attitude ko, kaso siya may kasalanan eh.

Pero ngayong araw na to hindi ko na napigilan. Pupuntahan ko na siya sa kanila. Pati kasi sina mom nagtataka kung bakit hindi pumupunta si Kurt sa bahay. Sinabi ko na lang na medyo busy siya.

Bago ako pumunta sa kanila nag bake muna ako ng chocolate cake. Tapos nilagyan ko ng heart sa gitna. Ang cute! Hahaha.

Naglalakad na ako papunta sa kanila. Kumatok ako at pinapasok na lang ako ng kasambahay nila.

Dahil gusto ko siyang isurprise nagtuloy tuloy na ako sa kwarto niya.

Medyo may bukas sa pinto, at imbis na siya ang ma surprise ako pa ang na surprise.

Bakit?

Kasi may kahalikan siyang babae!

Nabuksan ko na ng tuluyan yung pintuan at sa sobrang gulat ko nahulog ko yung cake. Yung cake na pinag hirapan kong gawin at pagandahin para sa kanya.

Sa pagkakahulog nung cake napatingin sila sa akin.

Nakita ko na nagulat din si Kurt. Naiiyak na ako. Bakit ba ganito? Paano niya nagawa sa akin to?

At ang babaeng kasama niya ay yung malanding kapitbahay nila. Bwiset sila. Mga walang hiya sa sarili!

Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Pati sila, pero yung babae umalis na. Buti naman at naisipan niyang umalis.

"Bakit mo nagawa sa akin to?" Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Sobra.

"Bakit? Ano bang pakielam mo?" siya pa ang galit ngayon?!

"Girlfriend mo ako. Akala ko ba mahal mo ako?"

Umasim ang mukha niya.

"Nagpustahan lang naman kami ng mga kaibigan ko kailangan maging girlfriend kita bago mag prom."

Nung narinig ko yun, lahat ng pwedeng sumakit sa katawa ko sumakit na ata. Yung luha ko tutulo na. Please. 'wag ka munang tutulo. Ayoko. Ayokong Makita niya akong umiiyak.

"P-pustahan? So lokohan lang lahat ng to?"

Pinupuno ako ng galit at sakit ngayon.

"Parang ganun na nga" Ngumiti pa siya.

"G*g* ka pala eh. So lahat ng pagsasabi ng mahal mo ako para saan yun? HA?!"

Napasigaw na ako.

"Kailangan kapani paniwala, laki ng pustahan eh. Dali mo palang maniwala?"

Sinampal ko siya.

"Bakit ba hindi ko nakita agad na ganyan pala ang ugali mo? Akala ko mabait ka at mahal mo talaga ako. Tang ina. Ang galing mong umarte. Naloko mo ako. Gaano ba kalaki ang pustahan ha? At gustung gusto mong manalo?!"

"Wala ka na doon. Pwede ba, umalis ka na nga. Hindi ko naman kasi akalain na ganyan ka kabilis ma fall eh. Ano bang malay ko db?"

Isang sampal pa at umalis na ako. Tumakbo ako pababa palabas ng bahay nila.

Habang naglalakad ako pauwi sumasakit ang dibdib ko. Akala ko dati figure of speech lang ang sinasabi ng mga malulungkot na tao na masakit ang puso nila. Pero hindi pala. Hindi lang ang may sakit sa puso ang nakakaramdam ng sakit. Kahit yung mga katulad ko. Pakiramdam ko wala na akong patutunguhan. Na ang lahat ng maayos sa akin sira na. Nahihirapan akong huminga. Ang sakit sakit talaga.

Nakarating ako sa bahay at buti na lang wala sila. Umakyat ako sa kwarto at umiyak ng umiyak. Nakatulog ako at nagising ng mga bandang gabi na. Tinawagan ko si Jyra at kinwento lahat.

Umiyak na naman ako ng umiyak. Hindi na ako makapag salita sa phone kaya pinuntahan niya na ako dito sa bahay.

Pagbukas niya ng pinto ay bigla niya akong niyakap. Sobrang higpit.

"Kung pwede ko lang alisin yang sakit na nararamdaman mo, gagawin ko. Hindi kita kayang nakikitang ganyan."

"J-yra, *sob* ano bang *sob* ginawa kong *sob* mali? "

"Wala ka namang ginawang mali eh. Sadyang sira ulo lang siya. Alam kong kahit sabihin ko sayo na magiging okay ang lahat hindi pa rin titigil ang sakit. Pero nandito lang ako. Hindi kita iiwanan."

"Kung wala akong ginagawang masama, bakit ganyan? Ang g*go naman oh!"

"Eh g*go siya eh, wala na tayong magagawa. Iiyak mo lang."

Hinug ko siya ng sobra. Nakatulog ako sa lap niya.

Ilang days ang lumipas at nakapag isip isip ako. Mas gusto kong sa ibang bansa mag-aral. Tutal dati sinasabi naman sa akin ng parents ko na sa ibang bansa ako mag-aral. Chance na rin siguro to para mag heal yung sugat sa puso ko.

Sinabi ko na sa kanila ang gusto kong mangyari. Tinanong nila kung paano na kami ni Kurt. Sabi ko break na kami. Hindi na sila nagtanong. Buti na lang, kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong nila. Hindi ko kayang sirain ang pangalan ni Kurt sa harapan nila. Pumayag naman sila. At after a week, pupunta na ako ng Canada. Mag stay ako dun kasama ang isang tita ko, pero I'll live separately. Gusto kong maging independent.

Sinabihan ko na rin si Jyra sa plano ko, nalungkot siya pero sinabi niya rin na for the best din yun.

2 nights before ako  umalis, pumunta sina Mark at Jyra kasama si Nathan sa bahay. May konting food at nag movie marathon lang kami.

Lumabas muna ako sa may garden, sina Jyra at Mark kasi ang sweet. Hindi ko sila kayang tingnan, masakit. Naaalala ko kasi si Kurt.

"'Wag ka na malungkot."

Si Nathan. Nakatayo na pala sa likod ko.

"hindi naman ako malungkot ah. :D Saya ko nga eh" Ngumiti ako ng malaki.

"Halatang fake oh, hindi kasi abot tenga."

"Okay lang naman ako no."

"Dria, okay lang naman masaktan. Mas mahirap mag move on kung in denial ka."

Move on? Gusto ko nga bang mag move on?

"Masakit pa rin kasi talaga. Akala ko hanggang dulo kaming dalawa na. Akala ko lahat ng mayroon kami totoo. Pero hindi eh. Lahat kasinungalingan. Ang sakit lang Nathan. Sobrang sakit."

Napaluha na ako.

"Shh. 'wag ka ng iiyak. Hindi siya worth it sa luha mo."

Pinunasan niya ang luha ko. Tumingin ako sa kanya at isang sincere at mabait na lalaki ang nakita ko.

Lord, pwede po bang siya na lang ang mahalin ko? Ilipat niyo po ang lahat ng pagmamahal na mayroon ako kay Kurt sa taong nasa harapan ko ngayon.

Pero alam kong imposible iyon. Kasi mahal na mahal ko pa rin si Kurt. Sabihan niyo na ako ng tanga, pero hindi ako galit kay Kurt. Nasasaktan lang ako ng sobra. Ganoon ata talaga kapag mahal mo. Kahit ano pang pangg*go ang gawin sayo, patatawarin at patatawarin mo pa rin. Sabi nga ni Kim Chiu lahat ng nagmamahal nagpapaka tanga. At Ako ay isang certified na tanga.

Hinug ko siya at pumasok na kami sa loob. After naming tapusin ang movie, which by the way is one more chance, kainis no? Umalis na sila.

Pumasok ako sa kwarto ko, tumingin ako sa paligid. Mamimiss ko to. Bukas na ako mag aayos ng gamit ko. 'wag muna ngayon. 'Wag muna.

YOU AND I COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon