Held on vs. moved on (days passed by)

16K 141 20
                                    

Ara's POV

Step 3: stay sweet and loving? Hala!! Pano ko gagawin to?? Hustisya naman. Hirap magpakasweet sa tao na di ko alam kung nasa ha.. Tskk makababa na nga..

Naabutan ni ara ang mga bullies na nanonood sa sala...

Ara: wow ha movie marathon walang nagyaya sakin?? Sakit guys ha...

Cienne: akala namin tulog ka pa e :))

Carol: oo nga. Nakakatakot ka kaya gisingin! Lalo na wala si yeye. Sya lang naman nagpapakalma sayo :))

Kim: aww. Hard! Pinaalala si yeye haha

Ara: haha kahit naman di nyo ipaalala e... Wala pagkain?

Cienne: andyan sa lamesa.. Kunin mo na lang...

Camille: vic! Dalian mo baka tamaan ka dito sa movie!

Ara: (dala dala na ang pagkain at pumunta ng sala) ano ba yan?

Camille: my amnesia girl...

Ara: pano ko tatamaan dyan?! Di naman ganyan nangyari samin ni daks!! Tsaka wala sya amnesia no!!!

Camille: slow ka forever! Andun sya para kalimutan ka! Parang amnesia na din yun! E pano pag umuwi sya dito na nakalimutan ka na nya? Hindi mo naman goal na makilala ka nya parang si johnlloyd.. Ang goal mo, maalala nya na mahal ka nya...

Ara: wag ganyan cams.. :( ayoko isipin na makakalimutan ako ni yeye.

Camille: e worst case scenario lang naman iniisip ko. Prepare for the worst diba? Mas ok na na handa ka. Para if all else fail, di ka parang namatayan.

Ara:..........

Kim: patay ka cams pinagisip mo haha! Pero alam mo ara tama si camille... Pano nga pag successful si mika? Anong gagawin mo?

Ara: edi ipapaalala sa kanya.. Na mahal nya ko...

Cienne: e pano pag may bago na sya?

Ara:............

Carol: ui tama na.. Nalulungkot na si ara.....

Ara: pano nga kaya bullies? Pano nga pag nakaya ni mika na magmove on? Pano na?

Kim: ikaw lang makakasagot nyan bro..

Camille: tama na! Haha ui oh favorite part ko...

Carol: sus imposible naman yan. Haha pero ang sweet e ano? Biruin mo.. Puno ng post it yung bahay.. Goooooosh pag sakin ginawa yan mamamatay ako sa kilig!!!

Ara: gawin natin.....

Bullies: seryoso ka ba????

Ara: oo. Sa buong kwarto namin ni daks.. Punuin natin ng post it....

Kim: e ano isusulat mo? Nakagawa ka na ng things i love about you e...

Camille: memories kaya?

Carol: oo nga! Ang dami nyo naman memories e kahit simple lang!!

Cienne: ang tagal bago matapos nyan! Lagyan mo din ng mga bagay na namimiss mo. Haha!

Ara: oo... Ilalagay ko dun mga di ko nasabi.. Haha!

Kim: oh gora na!! Tara bili tayo ng post it!!!

Ara's POV

Sakto to. Kahit pa araw araw ako may idagdag dyan hanggang sa mapuno yung kwarto namin, okay lang. Aleast diba ibigsabihin nun araw araw akong sweet sa kanya :') pero di ko mapigilan na malungkot sa sinabi nila cams kanina. Pano nga ba? Pano pag di na nya ko mahal pagkauwi nya dito? Ayoko isipin yun. Basta kakapit ako.. At wala ako planong bumitaw!!!

So much for my happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon