Nothing but the BEST for HONEY :)

19.5K 207 41
                                    

mika: HONEEEEEEEEYYYYYY!!!!!!!!!

Nagulat lahat ng lady spikers na nasa baba at nagluluto ng dinner. Nagtakbuhan sila paakyat, syempre nauuna si ara. Binuksan nya yung pinto ng kwarto nya at nakita si mika na umiiyak. nakatayo sa gitna nung room tas may hawak na post it.

Ara: anong problema?!?!

Mika: "i want nothing more in this world than to spend the rest of my life with you. I love you daks :') forever and always.." (Binabasa yung post it) tapos ko na sya basahin honey :')

Tinignan ng lady spikers yung kwarto nila at tama nga si mika. Tapos na nya lahat.. Natawa na lang sila.

Mich: dyosme! Akala ko ano nangyari sayo! Hahaha

Kim: naks ha. Isang buwan din. Parehas kayo ng pacing ni ara hahaha

Ara: grabe ka honey wag mo nga ako pakabahin ng ganun!!

Aby: okay.. Baba na tayo guys bigyan ng moment hahaha

Bumaba lahat ng LS at naiwan sa kwarto sina mika at ara. Lumapit naman si ara tas pinunasan yung luha ni mika tas nag semi hug sya. Bali yakap nya lang yung bewang ni mika tas tinititigan nya si mika.

Ara: bat umiiyak ka?

Mika: ang sweet nung mga nasa kisame. Akala ko sasabog puso ko :'(

Ara: hahaha syempre kaya ko nga nilagay sa kisame kasi alam ko yun ihuhuli mo :)

Mika: super thank you :') (hinug si ara)

Ara: you're always welcome. Tara na, baba na tayo baka luto na din pagkain e..

Mika: opo :)

Tinago na ni mika yung post it sa box tas tinabi sa cabinet nya. Bumaba na silang dalawa at nagdinner kasama ang lady spikers. After ng dinner, nagsipasok naman na sila sa mga kwarto nila. Nagaral sina ara at mika. Tahimik lang silang dalawa habang nagbabasa ng lectures nila. Maya maya tumayo nasi mika tas kiniss si ara sa cheeks.

Mika: ligo na ko antok na ko e haha

Ara: sige po :) ligo na din ako after mo :)

Tawa ng tawa si ara sa labas kasi kumakanta si mika ng titanium habang naliligo. Tuwang tuwa sya kasi kahit sintunado, pinipilit abutin ni mika yung matataas na notes. Sigaw ng sigaw si mika, tawa ng tawa si ara. Biglang kumatok si kim.

Kim: HOY!!!! Magpatulog kayo!!

Ara: hahahahaha sensya ate kim may auti sa cr :)))

Hinila ni kim palabas si ara

Kim: ready na lahat??

Ara: oo naman haha bat parang kinakabahan ka?

Kim: syempre no! Ayoko pumalpak ka e hahaha grabe kaya to :))

Ara: hahaha don't worry ate kim.

Kim: nakausap mo na si coach?

Ara: yup! Okay na talaga lahat :)

Kim: sige... Pasok ka na baka makahalata haha

Pagpasok ni ara, nakapamewang si mika at nakataas ang kilay.

Mika: san ka galing? Huh?

Ara: hahaha sa labas. Cute mo!!!! (Kiniss si mika sa lips na kinagulat nito)

Mika: magnanakaw ka talaga. Hahaha

Ara: i know. Nanakaw ko nga puso mo diba (kinindatan si mika tas pumasok na ng banyo)

Pagkatapos maligo ni ara, nakita nya na nakahiga na si mika sa kama nya, may nakapatong na libro sa mukha tas naghihilik na. Napangiti si ara tas nilapitan si mika.. Kinuha nya yung libro tas nilagay sa bag ni mika. Tinanggal nya yung salamin ni mika at tinabi sa table nila, tas nahiga nadin at niyakap si mika..

So much for my happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon