FINALLY

19.3K 261 59
                                    

Miguel: pwede ba kita makausap ara? Sandali lang to.

Ara: bakit?

Miguel: please...

Ara: sige maliligo ako sandali.

Miguel: intayin kita sa kotse.

Naligo at nagbihis ng tahimik si ara para di magising si mika.. Pagkatapos nya, pinuntahan nadin nya si miguel. Pumunta sila ni miguel sa isang restaurant. Maaga pa kaya wala pa masyadong tao..

Ara: anong paguusapan natin?

Miguel: si mika.

Ara: ano meron? Nasayo na sya. Di ka pa ba masaya?

Miguel: di ako pumunta dito para makipagaway sayo ara.

Ara: e anong gusto mo sabihin?

Miguel: mahal mo sya.

Ara: tanong ba yan?

Miguel: depende sayo.

Ara: ano sa tingin mo?

Miguel: alam kong mahal mo si mika.

Ara: alam mo pala e. bat tinatanong mo pa?

Miguel: gusto ko marinig galing sayo. Gusto kong sabihin mo.

Ara:(titig na titig kay miguel, nangingilid pa yung luha nya) mahal na mahal ko si mika. Higit pa sa alam mo. Kaya kung nandito ka para ipamukha sakin na nasayo na sya, itigil na natin to. Panalo ka na...

Miguel: ikaw ang mahal ni mika.

Ara: pero ikaw ang pinili nya.

Miguel: hindi natuturuan ang puso ara. Kahit pa paulit ulit akong piliin ni mika, hindi din kami magiging masaya. Kasi alam ko. At alam nya.. Na ikaw parin talaga.

Ara: pero sobrang nasasaktan ko sya. :(

Miguel: nagkakasakitan kayo kasi wala sa inyong umaamin. Di ka ba nagsasawang magtago?

Ara: nung dumating kayo dito, yun yung araw na aamin dapat ako. Pero di ko tinuloy.. Kasi kitang kita ko na masaya sya sayo. Mahal ko si mika. Kaya dun ako kung san sya sasaya.

Miguel: ako din... Kaya pinapaubaya ko na sya sayo.

Ara: ano?

Miguel: ara oo masaya si mika sakin. Pero wala pa yun sa kalahati ng saya na posible nyang maramdaman sayo. Lagi kayo nagaaway pero kitang kita naman na mahal nyo ang isa't isa.

Ara: bat mo ginagawa to miguel?

Miguel: kasi mahal ko sya. Higit padin sa alam mo. Buong buhay ko wala ako ibang minahal. Sya yung una. At sya padin.

Ara: e bat mo pinapaubaya sakin?

Miguel: kasi, kahit na buong buhay ko na syang mahal, at ikaw ngayon mo lang sya nakilala, ramdam ko. Na mas mahal mo si mika....

Ara:...............

Miguel: di ka naman magkakaganyan kung hindi e. haha. Di ako makapaniwala na ginagawa ko to. Pero ayoko ng umiyak sya. Bro, isa pa. Isa pang iyak ni mika dahil sayo promise, hinding hindi mo na sya makukuha sakin.

Ara: hindi ko alam sasabihin sayo miguel.

Miguel: ok na ko sa laman ng puso mo.... Alam mo na kung anong gagawin mo diba?

Sa LS dorm.... Gising na silang lahat...

Mika: ate aby asan si ara?

Aby: wala ba sa kwarto nyo? Di ko sya nakita pagkagising ko e.

So much for my happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon