I could not ask for more

23.7K 219 89
                                    

Hello guys! Thank you sa reads! Ngayon lang ako nakasagap ng wifi sorry haha! Sa lahat ng nagcomment at naglike at nagbasa, super thank you!!! Promise! Nakakataba ng puso lahat yun. Nga pala, girl po ako hihi :)) so.. Tuloy na natin to.. Simulan na natin ang KaRa moments! Ready? Eto naaa :)))

Malakas na ulan... Mabilis na tibok ng puso.. Mainit na yakap.. Pero higit sa lahat, kakaibang saya ang nararamdaman nina ara at mika ngayon... yakap na mahigpit ni ara ang bewang ni mika, at yakap din ng mahigpit ni mika si ara habang nakahalik sya dito. Nang maghiwalay na sila, hindi inalis ni ara at mika ang yakap nila sa isa't isa.

Dinikit ni mika ang noo nya sa noo ni ara, habang titig na titig naman sila sa isa't isa.. umiiyak silang dalawa pero hindi kita dahil sa ulan.. ngumiti si ara..

Ara: hihi, I love you more :')

Pagkasabi nun ni ara, niyakap lang sya ng mahigpit ni mika. Yumuko si mika sa balikat ni ara, iyak sya ng iyak..

Ara: daks.. tama na iyak, baka masapak ako ni Miguel haha

Mika: (tumingin kay ara) ikaw kasi e.. wala akong idea.. :')

Ara: (hinawi yung buhok ni mika na nakaharang na sa mata nya) gusto ko man magstay dito at titigan ka na lang magdamag, ayoko po na magkasakit ka miss.. haha

Pinulot ni ara yung payong nya, hinawakan nya ang kamay ni mika at naglakad sila ng dahan dahan pabalik sa dorm..

Mika's POV

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Ako na ata ang pinakaswerte sa lahat ng tao sa mundo. Hindi ako makapaniwala na all this time, mahal din pala ko ng taong mahal ko. :') sobrang naooverwhelm ako sa mga nakita ko, mga nabasa ko, hindi ko alam kung pano ipapakita sa kanya yung saya na nararamdaman ko ngayon. Lord! Salamat po :") sobrang saya ko ngayon :")

Ara's POV

Hindi ako makapaniwala na ako pinili ni daks :) ready naman na ko kanina. Na umuwi magisa sa dorm. At Makita lang sya dun sa kama nya na walang pakialam sa lahat ng ginawa ko, at sabihin sakin na sorry vic, it's too late. Pero hindi. :) andito sya ngayon, hawak yung kamay ko. Sabay kami na pabalik sa dorm. Higit sa lahat, mahal din nya ko. Mahal padin nya ko. Thank you po Lord. Kasi binigyan nyo pa ko ng chance na iparamdam dito na mahal ko sya :')

Binuksan ni ara yung pinto, nakita nila na nakatayo lahat ng lady spikers, nakaabang sa kanila, palakihan pa ng ngiti :D

Cienne: dapat na ba kami umiyak?

Carol: sabihin nyo na agad kasi sasabog na ata yung puso ko...

Camille: sa totoo lang mas kinakabahan ata kami kaysa sa inyong dalawa..

Aby: deep inside love story namin to e. hindi inyo =))

Kim: SO ANO NA NGA??? SUCCESS BA??

Ngumiti lang sina ara at mika..

LS: AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!

Nagtatatalon ang mga lady spikers, pahug hug pa sa isa't isa.

Mich: mabuhay ang effort nating lahat!!

Liss: sa wakas wala ng drama dito!! Landian all around na lang!!

Justine: deep inside sobrang saya natin e! love story natin to wooooo!!!

So much for my happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon