"Mika!!!!!"
"Mika!!!!"
Tumatakbo lang ng mabilis si ara. Sobrang lakas ng ulan at halos wala syang makita. Pinipilit nyang hanapin si mika. Pero wala to sa gilid ng ilog. Hindi maramdaman ni ara yung sakit ng katawan nya. May mga sugat din sya dahil sa mga tama nya sa bato. Pero manhid sya ngayon. Dahil wala sya ibang gustong mangyari kundi ang makita si mika.
Pagod na pagod na sya sa pagtakbo. Naabot na nya yung parte ng ilog na wala ng rapids. Wala ng mga bato, pero dahil sa ulan, mabilis padin yung agos ng tubig. Napaupo na si ara. Hindi na kinaya ng mga binti nya na puro pasa at ang layo na din ng tinakbo nya.
"Lord, parang awa nyo na po :'( kahit hindi na sya maging akin ulit. Kahit habang buhay na kong masaktan.. Ipakita nyo lang sya sakin ng ligtas. Parang awa nyo na :'( hindi ko kayang mawala si mika :'("
Sa checkpoint.. Mabilis na nakarating dun yung mga crew dala sina cienne, thomas, kib, at si miguel na hindi padin makatayo ng maayos dahil sa sugat nya sa ulo..
Mich: MIGS!!! (Tumakbo kay miguel) anong nangyari?! :'(
Camille: oh shit :((( (niyakap sina cienne)
Jeron: NASAN SINA ARA AT MIKA?!
Thomas: (napaupo sa pagod)
Jeron: thomas! Asan sila??
Crew: hahanapin po namin sila sir..
Norbert: NAWAWALA SILA?!
Aby: ANO?! Pano??? Shit. (Tatakbo na dapat papalayo)
Crew: (piniglan si aby) maam may mga rescuers na po na naghahanap sa kanila. Malakas pa po ang agos ng tubig. Mapapahamak lang po kayo.
Napaupo na lang ang mga spikers at archers. Umiyak lang sila at nagdasal na mahanap na sina mika.. Ginagamot ng medic yung mga sugat nung apat.. Pero hindi talaga mapakali si jeron.
Van: JERON!
Agad na tumakbo si jeron papalayo. Sinubukan sya na pigilan nung crew pero syempre sobrang lakas ni Jeron. Sinundan sya ni van ng patago. Dalawa na sila ngayong naghahanap.
Van: nasisiraan ka na ba ng ulo?! Sbrang lakas ng ulan jeron! Wala ako makita!
Jeron: mas masisiraan ako ng ulo pag naghintay lang ako dun! Pre! Parehas babae yung dalawa!
Van: bakit nangyayari to ******* naman!!
Jeron: maghiwalay tayo van. Bilisan mo. Pag nakita mo sila bumalik agad kayo sa checkpoint. Wag nyo na ko hanapin.
Van: ganun ka din jeron. Okay..
Naghiwalay yung dalawa at hinanap sina ara at mika..
Umiiyak at tumatakbo si ara. Malayo na din ang narating nya.....
Ganun din si jeron.....
Ganun din si van...
Hapon na.. Malayo na din ang nalakad nina jeron at van. basang basa na sila dahil sa ulan, nanghihina na din sa pagod. pero binalewala nila lahat ng yun lalo na si jeron. wala syang ibang gusto kundi ang makita sina ara at mika.
Pagod na pagod na si ara. Kanina pa sya naglalakad, tumatakbo. Nahihilo na sya, di sya nakakain ng maayos na almusal tas hapon na at hindi padin nya makita si mika. Napaupo si ara at sumandal sa isang puno. Iyak na sya ng iyak kasi ilang oras na syang naghahanap. Nawawalan na sya ng pagasa pero ayaw nyang tumigil. Dahan dahan syang tumayo, nanginginig na yung tuhod nya pero naglakad sya..
Kay jeron naman, agad syang tumakbo nang nakita nyang may babae na nakahiga sa gilid ng ilog..
Jeron: mika? MIKA!!!
BINABASA MO ANG
So much for my happy ending
FanfictionRegrets and mistakes... Will there be a happy ending for them? This is just a fan fiction, made for KaRa shippers. I do not know any of the characters personally. Pure entertainment lang po.