Chapter 17 - Finally..

7.9K 96 8
                                        

Hawak-hawak pa rin ni Mika yung notebook at pilit niya itong itinataas para hindi maabot ni Ara..

Mika: Kailan pa 'to, Vic? Kailan pa..

Nagkatitigan ang dalawa hanggang sa 'di napansin ni Mika na naabot na pala yung notebook.

Ara: Wala.

Mika: Wala? Eh nabasa ko..

Ara: Nabasa mo na pala eh. Edi alam mo na. Bakit ka pa magtatanong?

Naglakad papunta sa may pintuan si Vic para lumabas.

Mika: *pinigilan si Vic* VIC!! Pwede ba kahit ngayon lang wala munang magwa-walkout!? Lagi nalang kasing ganito, kaya hindi tayo nakakapagusap ng matino eh!

Ara: *tinanggal yung kamay ni Mika* Ano pa bang gusto mong malaman?! Nabasa mo na diba? Ano pa bang kailangan mo!?

Pareho nang nadala ng emosyon ang dalawa kaya naman nagsisigawan na sila..

Mika: KAILAN PA! VIC, KAILAN PA?! GUSTO KONG MALAMAN! BAKIT HINDI MO SINABI? BAKIT DI MO SINABI AGAD?!

Ara: Bakit ako magpapangahas na sabihin kung alam kong mahal mo parin ex mo?! Sige na, Mika! Kasalanan ko! Kasalanan ko  na lahat! Dahil nahulog ako sa'yo, kahit na alam kong hindi dapat!

Mika: Sana sinabi mo agad! Sana sinabi mo agad kasi akala ko si..

Ara: Akala mo si Thomas?! AKALA MO SIYA. HA?! MIKA, KAHIT SINO PA YAN, IKAW AT IKAW PARIN ANG PIPILIIN KO!

Mika: *napayuko*

Ara: Ano bang gusto mong marinig, ha? Na si Thomas ang gusto ko? Kung pwede lang nga sana eh! Kung pwede ko lang turuan 'tong puso ko kung sino mamahalin ko, ginawa ko na. Kaso hindi eh! Hindi pwede! Kasi mahal kita! Mahal kita, hindi bilang teammate ko! Mahal kita, hindi bilang bestfriend ko! MAHAL KITA DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA!!!

Pinagpapapalo ni Vic ang mga balikat ni Mika habang sinasabi yung mga yon at umiiyak. Hindi pa rin makaimik si Mika dahil sa mga narinig niya. Hindi siya makapaniwala.. Humupa ang tensyon at naging kalmado na ulit silang pareho.

Ara: Oh, ngayon alam mo na.. Pwede mo na akong iwan.. Pwede mo na akong iwasan..

Naglakad muli palabas ng pintuan si Ara pero pinigilan ulit siya ni Mika. Hinawakan niya ang kamay nito at ihinarap ang sarili kay Vic.

Mika:
.

.

.

.

.

Mahal kita.  

May tumulong luha galing sa mga mata ni Mika matapos niyang sabihin yon. Bakas sa mukha ni Ara ang pagkagulat sa sinabi ni Mika.

Mika: Mahal na mahal rin kita. Hindi mo alam. Hindi mo lang alam kung gaano ako nasasaktan tuwing kasama mo si Thomas. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan tuwing iniiwasan mo ako. Ang sakit, Vic kasi di ko magawang sabihin sa'yo . Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo dahil ayaw kong saktan si Jessey. Naduduwag ako. Kasi akala ko si Thomas na. Vic, dapat sinabi mo—

Hindi pinatapos ni Ara si Mika.

Ara: Mahal mo ako? Mahal mo rin si Jessey, mahal ka rin niya. Ayaw kong maging sagabal sainyong dalawa. Wag kang padalos-dalos sa mga sinasabi mo, Ye. Baka maniwala ako.. *punas ng luha*

If I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon