-SAME DAY PERO KAY ARA-
11: 40 AM
Ara’s POV:
So andito na ako ngayon sa airport, nasa departure area na actually. Nakaupo lang ako dito at hinihintay nalang yung flight ko 20 mins. from now.
Hindi pa rin ako makapaniwala, aalis na pala ako ngayon.. Iiwan ko na silang lahat dito.
Iiwan ko na si Mika.
Naramdaman kong nangilid na ang mga luha ko kakaalala ng lahat ng mga pinagsamahan namin kaya naman itinigil ko na ang pagrereminisce at pinunasan ko na ang mga mata ko.
Ayaw kong umiyak dito. Baka hindi ko kayanin at bigla akong umuwi sa dorm ng wala sa oras..
Ito na ba talaga?
Parang ang bilis…
Ngayon palang ata nagsi-sync in lahat..
Nawala si Ara sa kanyang pagkatulala ng biglang may lumapit na staff sakaniya.
Staff: Uhm, good morning.. Ma’am. Sorry sa pang-iistorbo sa pag-iisip mo pero magte-takeoff na po kasi yung plane natin in 5 mins.
Ara: Huh? 11:40 palang ah? Diba 12nn yung flight?
Staff: Onga po Ma’am eh. Napaaga raw po.
Ara: Ah ganun ba, sige susunod na ako..
Staff: Sige po.
Umalis na yung staff at tumayo na si Ara at inayos ang sarili niya bago pumasok ng plane..
Ara’s POV:
Napaaga yung flight.
Hindi kaya eto na yung sign na binigay ni Lord na dapat ko na nga talagang ipagpatuloy tong pag-alis ko?
Siguro nga..l
Siguro nga tama tong desisyon ko..
Bago lumabas ng departure area si Ara ay napalingon siya sa loob ng airport. Huling sulyap. Kahit papano, sa kaloob-looban niya ay may inaasahan siya. May hinihintay siyang dumating..
Ara: *napailing* Hindi darating yun. Asa ka pa, Vic. Ni hindi nga niya alam na aalis ka na ngayon.
Napabuntong-hininga si Ara at naglakad na papunta sa plane..
Nasa huling step na siya ng stairs papasok ng plane ay napatigil ulit siya at lumingon nanaman. Nakita niya ang malawak na runway ng airport, ang malawak na kaulapan, saka siya napabulong sa sarili niya..
Good bye, daks..
---
Ara’s POV: Nasa loob na ako ng plane ngayon at nakaupo. May 15 mins na rin kaming nakatakeoff.
Kamusta kaya sila? Nabasa na kaya ni Mika yung letter ko? Alam niya na kaya?
Walang kamalay-malay si Ara na sa mga sandaling yun ay kakarating palang nila Mika sa airport kung saan inaasahan nilang maabutan pa siya…
Naiinip na siya sa loob kaya naisipan niyang isuot yung headphones na nasa upuan niya at pinakinggan yung kung ano mang kantang nagpeplay..
Promise me..
You’ll wait for me..
‘Cause I’ll be saving all my love for you..
BINABASA MO ANG
If I Fell
FanfictionHanda ka bang mahulog para sa isang taong mahal pa rin ang Ex niya? Lalo pa’t ikaw ang sandalan niya ngayong sawing-sawi siya?