Chapter 25 - L.Q. ?!

7.2K 84 11
                                        

Nang nakabalik na sa hotel ang Lady Spikers ay todo iwas pa rin si Ara kay Mika. Ilang beses niya nang nilapitan si Ara pero alis naman ito nang alis kaya tumigil na rin kasusuyo si Mika.

Naabutan ni Kim si Mika na nakaupo sa may porch at nilapitan niya ito.

Kim: *batok kay Mika*

Mika: Hoy! Ano ba-! Masakit ah!

Kim: Anong ginagawa mo dito? Bakit chill na chill ka lang diyan?

Mika: Bakit? Ano ba dapat gagawin ko?

Kim: Ay jusko po! *napahawak sa noo niya* Nako, konting-konti nalang iisipin kong di mo talaga mahal si Ara eh.

Mika: *shocked* O_O What?! Sa tingin mo paglalaruan ko feelings ni Ara?! Sa tingin—ugh! Grabe naman yan! *tayo*

Pinigilan ni Kim si Mika sa pagtayo at pagwalkout.

Kim: Oh, chill lang. Wag mo akong wa-walkoutan. *hinila paupo*

Mika: Ano ba!?

Kim: Ang tinatanong ko lang naman kasi eh,  bakit parang okay na okay ka lang ngayon? Tignan mo si Vic..

Nginuso ni Kim si Vic at nilingon naman ito ni Mika. Nakaupo lang si Ara sa dining table at parang pinaglalaruan lang yung ulam dahil wala siyang ganang kumain..

Kim: Alam mo, kitang-kita kay Vic kung gano ka niya kamahal. Kaming lahat, Ye..nakikita yon. Pero ikaw? Ano bang problema sayo at para kang bato diyan? Hindi mo ba nararamdaman? Na mahal ka niya? Na nasasaktan siya tuwing may kasama kang iba?

Mika:  Yun nga eh. Ang sakin lang naman, wala siyang dapat ikaselos. *sigh*

Kim: Nagseselos siya kasi mahal ka niya. Magtaka ka kapag isang araw, wala na yang pake kung sino man ang kasama mo..

Mika: ...

Kim:Hindi mo man lang siya lalapitan? Susuyuin? Hindi ka man lang ba magsosorry sakaniya?

Mika: Kanina ko pa yon ginagawa, Kim. At puro siya iwas. Naiintindihan ko naman eh, pero bakit hindi man lang niya ako hayaang mag-explain? Hayaan muna natin. Baka mainit pa ulo niyan. Palalamigin ko muna. Baka kailangan ng space.

Kim: Hay. Ikaw bahala diyan. Ayusin niyo nga yang relasyon niyo. Palagi nalang gulo.

Mika: Wala eh. Maraming epal eh.

----

Ara's POV: Aish! Nakakainis! Kita mo yung bakulaw na yon! Pachill chill lang sa porch! Wala man lang care saakin? -__- Kapag umiiwas ako ibig sabihin hinihintay ko siyang lumapit! Mag-effort! Ugh! Ano ba, Mika!!

Cienne: Oy, Ara. Kalma lang ah. Kanina mo pa tinutusok tusok yang ulam mo dyan.

Camille: Onga, ulam yan. Hindi yan si Pia.

Ara: Tsss.

Cienne: Nako, kung si Pia yan malamang double dead na yan ngayon!

Ara: Malamang!! Hay! Wala akong gana, nakakainis. Sige dun nalang muna ako sa kwarto..

Umalis na si Ara at dumiretso sa kwarto nila para magkulong.

---

Huling araw na ng tournament ngayon at U.P. ang kalaban ng La Salle para sa Finals. Isang set nalang ay makukuha na ng Lady Spikers ang 4peat para sa Intercol. Nagtimeout yung coach ng U.P. kaya naman nagkaroon ng tyansang magkumpul-kumpol ang Lady Spikers sa bench nila.

If I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon