[A/N] Tadaaa! Haha. Pasensya na natagalan. Basahin niyo nalang ulit yung previous chapter baka hindi niyo na kasi maalala =)
Naglakad na pabalik si Mika papunta sa van na sasakyan niya. Agad naman siyang pumasok sa loob at ini-slant yung upuan ng kotse para makarelax siya. Ipinahinga niya yung ulo niya sa head rest ng car seat.
Napapikit siya.
Hindi niya matanggal-tanggal sa isipan niya yung nakita niya kanina. Si Vic, matapos ng anim na taon ay nakita nya na ulit ito..
Hindi ba dapat masaya na siya?
Pero nakita niya rin silang magkasama ni Thomas.. Magkahawak ang kamay na tumakbo papunta sa kung saan man.
Nagpaulit-ulit yung eksenang yun sa utak niya..
Pagkatapos non ay may naalala ulit siya na mas nakapagbago ng mood niya..
-FLASHBACK-
-3 YEARS AGO-
Mag-isa lang ni Mika sa kwarto nila ni Kim sa dorm. Nag-aayos siya ngayon para sa Athlete’s Night nila na magaganap mamaya. Isinusuot niya yung necklace niya nang bigla itong nahulog..
Mika: Shit! Yung pendant!
Nagpanic si Mika dahil nahiwalay yung pendant at gumulong sa kung saan mang lupalop ng kwarto niya. Nagpanic siya dahil ang pendant lang naman na yon…. ay ang singsing niya na pareho sila ni Ara.
Hindi mapakali si Mika dahil hindi niya ito mahanap, kaya naman sinilip niya ang ilalim ng bed niya para hanapin doon.
Pero iba ang nakita niya..
Yung box..
Yung box na iniwan sakaniya ni Ara bago siya umalis.
Simula nung binuksan niya yon ay never niya na ulit itong ginalaw dahil sobrang nagbreakdown siya noong nabasa niya lahat ng mga andon. Kaya naman, 3 years na rin itong nasa sulok ng bed niya. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang natempt na buksan ito.
Nakita at nabasa niya ulit lahat. Bigla siyang kinalibutan, dahil pakiramdam niya bumalik lahat ng ala-ala nilang dalawa.
Pinipigilan niyang umiyak.
Mika’s POV:
Hindi. Hindi pwede. Hindi na ako pwedeng umiyak. Malakas na ako eh. Nakaya ko na nga diba, Vic?
Pero..
Gustong-gusto kong ideny tong nararamdaman ko pero..
Pero sigurado ako na..
Kahit na lumipas na ang tatlong taon ay mahal na mahal pa rin kita.
Binitawan na ni Mika yung box, saka niya nakita yung singsing sa ilalim ng kama.
Kinuha niya ito at tinitigan..
Mika’s POV:
Vic, 3 years.. 3 years ka nang hindi nagpaparamdam.
Pero andito pa rin ako..
Vic, kahit naman sana sabihin mo lang kung may mahihintay ba ako..
Kung babalik ka nga ba talaga..
![](https://img.wattpad.com/cover/5121173-288-k807105.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Fell
FanfictionHanda ka bang mahulog para sa isang taong mahal pa rin ang Ex niya? Lalo pa’t ikaw ang sandalan niya ngayong sawing-sawi siya?