Ara’s POV
“Huy, anak. Ok ka lang? Ang sabi ko, ready ka na ba? Sumagot ka naman..”
Nawala ako sa pagkatulala ko nang magsalita uli si Mama sa may screen. Ka-Skype ko kasi siya ngayon.
Oo, ka-Skype. Nakabalik na siya sa Pinas. Actually, 3 years na nga siyang andoon eh. Ako naman, 6 years na dito sa London. Tatlong taon na rin akong mag-isang nabubuhay dito. Naisipan ko kasing pauwiin nalang si Mama sa Pinas at patigilin sa trabaho dahil nakakapagtrabaho naman na ako.
Natapos ko ang pag-aaral ko dito, at sa awa ng Diyos ay nakapagtapos naman ako at nakakuha agad ng trabaho matapos kong mag-aral ng tatlong taon mula nung dumating ako dito. May mga naging kaibigan na ako dito, marami ring mga Pilipino. Maayos naman ang trabaho ko dito, mataas ang sweldo dahil kilalang-kilala yung kumpanyang pinagtatrabahuan ko. Sa totoo nga nyan, nakapagpatayo na kami ng restaurant business sa Pinas—marami na ring branches. May iba pa kaming mga business na ipinatayo, nakaraos naman kami.
Kamusta ako sa Volleyball? Naglalaro pa naman ako pero minsan nalang. Tuwing nagkakayayaan kaming magkakaibigan.
“Anak! Sumagot ka naman! Bakit tulala ka lang diyan? Nag-hang ka ba?”
Ano ba naman ‘tong si Mama. Ginulat nanaman ako. Haha. Nag-hang daw ;(( Corny talaga magjoke ni Mama minsan. Hahaha.
“Ma! Ano—haha. Sorry. Ano ulit yon?”
“Hay, Victonara. Ganda mo na sana kaso ang bingi mo.”
“Tsss.’’ -___-
“Haha. Ang sabi ko ready ka na ba? Ready ka na bang umuwi dito?”
“Uhhhhmm’’
Hindi ko alam ang isasagot ko.
“Kung hindi pa, ayos lang. Ipaparebook nalang natin yang flight mo.’’
“Ha? Ma, wag na. Tutuloy na ako ngayon. Sayang naman.”
“Sure?”
“Opo.”
“Osya, sige. Ibababa ko na at maghanda ka na diyan.”
“Sige po.”
In-end na ni Mama yung call kaya naman pinatay ko na rin tong laptop ko at inilagay sa bag ko.
Napatingin ako sa tinitirahan namin dito..
It feels so empty.
Napatingin ako sa mga maleta ko na kagabi pa nakaimpake..
Ready na ba talaga ako?
Sana nga..
---
Pagkatapos ng kalahating oras na pag-ayos ni Ara sa mga gamit niya at sa bahay nila ay umalis na siya papuntang Airport. Ngayong gabi ang flight niya pabalik ng Pinas. 11pm ang alis niya dito at 13hrs ang byahe kaya naman alas dose ng tanghali na siya makakarating doon.
-AFTER 13 HOURS-
Pagkababa na pagkababa ni Ara sa plane ay halo-halo ang mga nararamdaman niya. Kaba, saya, takot, pagkamiss at marami pang iba..
Ara’s POV:
Shocks. Agad agad? Nandito na ulit ako sa Pilipinas?!
Author naman! Bakit mo ko pinauwi kaagad!?
BINABASA MO ANG
If I Fell
FanfictionHanda ka bang mahulog para sa isang taong mahal pa rin ang Ex niya? Lalo pa’t ikaw ang sandalan niya ngayong sawing-sawi siya?