Chapter 18 - "There's no way to fix it now...''

7.9K 76 22
                                    

-3 DAYS AFTER-

Nasa kwarto sila Cienne, Camille, Kim at Vic. Nagsasoundtrip lang sila maghapon dahil wala na silang magawa.. Si Vic, nakahiga doon sa bed ni Mika at yung tatlo ay nakaupo lang sa sahig busy naglalaro ng baraha.

(Play nyo nalang yung vid sa right :)))

Let this come, crashing down..
There's no way to fix it now,
We're lost in the crowd
And our love will soon decay
Just look at the mess we've made..
We both know the we can't stay..

Masyadong madrama yung kanta kaya naman hindi nanaman naiwasan ni Vic maapektuhan.. Naluluha na siya pero pinunasan niya ito agad.

Ara's POV: Para namang nanadya 'tong mga kanta. -__-

Ara: Pakipalitan nga yung kanta..

Kim: Huh? Bakit naman?

Ara: *tinitigan lang si Kim*

Kim: Oo na..eto na nga oh.. *lipat ng kanta*

Cienne: Tatlong araw na nakalipas 'no?  Haaay. Bakit ba kasi ganito na ngayon?

Camille: Hindi pa rin ba siya nagpaparamdam kahit kanino satin?

Cienne: Wala daw eh. Kahit nga kay Coach at kay Ate Aby. Kaloka naman yun, may Twitter may cellphone naman siya pero hindi pa makipag-usap. Tss.

Camille: Kamusta na kaya yun? Nakakamiss din kahyperan non eh.  -_-

Kim: Oo nga. Kung miss na natin siya edi mas lalo yang si Vic.. Diba Vic? *tingin kay Vic* Hoy, Vic. Magsalita ka nga diyan, tulala ka nanaman eh..

Ara: *natauhan* Ha—a? Tse.  Hindi ah. Dinamay niyo nanaman ako. -__-

Kim: Sus!! Galing mo magdeny 'te. -_- Kung hindi mo siya miss, eh bakit lagi mong hawak yang nag-iisang sticky note na iniwan niya sa'yo? Kulang nalang ipa-laminate mo..

Nakahiga si Vic at nakadikit sa noo niya yung sticky note na iniwan ni Mika noong umalis siya..

Ara: *tanggal ng sticky note* Tss. Wala lang. *bangon* Oo nga pala, lalabas kami ni Thomas mamaya..

Kim: NANAMAN?!

Cienne: Onga, Vic. Nanaman? These past few days kayo lagi magkasama ah.

Camille: Nagmomove-on ka na ba?

Ara: *natahimik* Siguro. Pwede...Sana..

Kim: Hala!! *hawak sa ulo* Agad, agad Vic?!

Ara: Eh ano pa bang magagawa ko? May girlfriend siya, masaya silang pareho.. Hindi niya ako pipiliin over her...

Kim: Vic,.. wag mong papangunahan. Kung pipiliin niya agad-agad si Jessey, eh bakit kailangang lumayo ni Mika? Kung si Jessey na talaga, edi sana sinabi niya sa'yo agad diba? Hindi umalis si Mika ng walang dahilan..siguro kailangan niyang pag-isipan yung mga nangyari at mga pwedeng mangyari..

Ara: Haaay. Ewan ko. So ano gusto niyo? Magkulong at mag-emote nalang ako dito hanggang sa bumalik siya? Hindi pwede 'yon, kailangan ko ring pasayahin sarili ko. Kailangan ko ring paghandaan yung mga pwedeng mangyari.. Paano kung hindi na sya bumalik? Lugi ako..

Cienne: Kung diyan ka masaya, kung feeling mo yan ang tama..edi go.

Ara: Sana nga, sana nga eto yung tama.. O siya, sige..magbibihis na ako. Parating na rin siguro si Thomas..

If I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon