Basang-basa sa ulan si Mika pagkarating niya sa dorm nila. Halatang wala sa sarili matapos ng nangyari sakanila ni Ara sa dorm ni Mela. Dumiretso siya sa kwarto nila at di man lang nag-atubiling sagutin ang kahit na anong tanong sakaniya ng mga kateammates niya. Naga-alala sila, pero balewala lang ito sakaniya. Napaupo siya sa bed nila at hindi na muling napigilan ang mga luha niya..
Mika’s POV:
Sumuko na siya. I can’t blame her, I caused her so much pain. Sana nagtiwala nalang ako sakaniya, sa pagmamahalan namin. Sana hindi na ako nagduda pa. Sana hindi ako nabulag ng galit ko. Sana hindi ko nalang ginawa yun..
I feel so helpless, so hopeless….
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na nga mapatawad sarili ko dahil sa mga kagaguhang ginawa ko… Paano pa kaya ako papatawarin ni Vic?
Kasalanan ko.. Kasalanan ko lahat…
Tuloy pa rin sa pag-iyak si Mika. Tumayo siya at pinag-uuntog ang ulo niya sa pader.
Mika: Ang tanga mo, Mika…ang tanga-tanga mo….sinaktan mo nanaman yung pinakamamahal mo…*suntok ng malakas sa pader* ANG TANGA MO!!!!!! AGGGHHHH!!!
Pauulit-ulit pang pinagsususuntok ni Mika ang pader, sigaw rin siya ng sigaw upang mailabas lahat ng hinanakit at galit niya.. Tuloy pa rin siya sa pagsuntok hanggang sa napagod na siya at napaupo.. Napatingin siya sa kamao niyang punong-puno na ng dugo.. Hindi niya ito ininda..dahil mas masakit ang nararamdaman niya sa kaloob-looban niya..
Napatingin siya sa katabing mesa at may nakita siyang cutter. Inabot niya yon at inilabas ang blade.. Tinitigan niya ito nang matagal. Unti-unti niya itong inilapit sa may pulso niya. Nakadikit na ito..
Hanggang sa may naalala siya…
*FLASHBACK*
Ara: Oy, Ye. Yang mga Vitamins mo wag mong kakalimutang i-take.
Mika: Ih! Babe naman! Ang pangit ng lasa eh!
Ara: Walang pangit ang lasa! Ang gusto ko, magtake ka nyang mga gamot mo. Okay!?
Mika: Aish! Napakaunder ko naman talaga! Sige na nga! *inom lahat ng vitamins niya*
Ara: Good.
Mika: Bakit ba kasi panay ang pilit mo sakin -__- Daig mo pa nanay ko ah.
Ara: Syempre, ako girlfriend mo eh. Ano ka ba, babe. Ayaw ko nang maulit yung nagkasakit ka dati..
Mika: Bakit? Masaya kaya. Ikaw nag-alaga sakin eh.
Ara: Masaya?! Eh kung batukan kaya kita diyan!?
Mika: Eh bakit nga?
Ara: Gusto mo talagang malaman?
Mika: Oo.
Ara: Ayaw kong nagkakasakit ka. Ayaw kong nasasaktan ka. Kahit anong sakit pa yan, ayaw kong maramdaman mo. Dahil tuwing nakikita kitang nasasaktan, mas nasasaktan ako.
Mika: Awww. Ang sweet naman ng baby ko. *backhug kay Ara*
Ara: Kaya aalagaan mo sarili mo, okay?
Mika: Yes, Ma’am.
Ara: Wag mong hahayaang may mangyaring masama sa’yo, okay!? OKAY!?

BINABASA MO ANG
If I Fell
FanfictionHanda ka bang mahulog para sa isang taong mahal pa rin ang Ex niya? Lalo pa’t ikaw ang sandalan niya ngayong sawing-sawi siya?