Mabilis na tumakbo ang Lady Spikers papunta sa parking lot ng school nila. Nakita naman nila agad yung isa nilang driver at nilapitan ito na hingal na hingal..
Driver: Oh, saan po kayo pupunta?
Mika: *hawak sa kamay nya* Kuya! Please, kailangan nating maabutan si Ara. Nasa NAIA na siya ngayon. Please kuya!
Driver: Pero Ma’am Mika—bawal..
Mika: PLEASE! Kami na bahala sa’yo promise!
Napakamot nalang ng ulo yung driver dahil sa kakulitan nito.
Driver: Uh, sige na nga..Pero Ma’am.. wala po yung bus natin eh.. Inaayos.
Lady Spikers: ANO!?!
Kim: Anak ng---! Naman nyan oh!
Driver: Pasensya po.. Pero meron po yung mini van, kaso hindi kayo magkakasya lahat doon.
Nagkatinginan silang lahat..
Mika: Okay lang, Kuya.
Driver: Sige po, kunin ko lang saglit.. *umalis na*
Mika: Ate Aby, sorry kung naistorbo ko pa kayo pero salamat na rin sa pagsama.. Sila Kim at yung kambal nalang po ang isasama ko para hindi na hassle..
Aby: Sige sige. Ingat kayo.
Lady Spikers: Good luck.. *hug kay Mika*
Agad naman silang pumasok at umalis ng makuha na nung driver nila yung van. Si Mika ang nakaupo sa may shotgun seat samantalang nasa likod naman niya sila Kim.
Driver: Ma’am, kung okay lang tanungin bakit po ba nagmamadali kayo ngayon?
Mika: Si Ara po kasi. Kilala nyo naman po siya diba? Ngayon na yung flight niya papuntang London. Ngayon ko lang nalaman… Muntik na siyang umalis nang hindi pa ako nakikikipag-ayos sakaniya.
Driver: Ahhh, sana po mahabol niyo.
Mika: Onga po eh. Salamat ulit, Manong.
Naging maayos naman ang byahe nila palabas ng Taft pero pagkarating nila sa Pasay ay halos mag-init na ang ulo nilang lahat dahil sa sobrang traffic.
Driver: Ay! Pambihira naman oh! Traffic pa! Tsk tsk tsk. Yung mga pasaway na motorista nanaman siguro ang may pakana nito.
Mika: *hindi mapakali* Manong? Wala na bang ibang daan?
Driver: Sorry, Ma’am. Pero kahit na meron ay mahihirapan na rin tayong makalabas dito dahil sa traffic..
Mika: Kim, anong oras na?
Kim: *tingin sa orasan nya* 12:30..
Mika: ANO!? 12:30 na?! *panic* Shit! Kailangan nating makakabas dito! Tatakbuhin ko nalang—
Lahat: MIKAAAAAAA!!!!!
*BEEEEEEEEEEP!!!!*
Pagkalabas ni Mika ng pintuan ay biglang may bumusina dahil may papadaan palang motor. Muntik na siyang nabangga pero buti nalang ay nakaiwas agad si Mika.
Driver: Ma’am! Pumasok na po kayo dito! Mahuhuli po tayo ng MMDA!
Mika: *bumalik sa loob*
BINABASA MO ANG
If I Fell
FanficHanda ka bang mahulog para sa isang taong mahal pa rin ang Ex niya? Lalo pa’t ikaw ang sandalan niya ngayong sawing-sawi siya?