Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 26 - Meeting the Family

7.4K 75 12
                                        

-3 WEEKS LATER-

-SATURDAY-

Mika: *sigaw* BHE! Bilisan mo nga diyan! Tagal tagal mo! Ganun ka na ba talaga kabaho!?

Ara: *sigaw din* Oo na! Teka lang! Patapos na nga oh!!

Nagsisigawan habang nag-uusap  ang dalawa dahil  nasa banyo si Ara at abalang-abala ito sa pagligo. Nasa sala naman si Mika ngayon at inaayos niya yung mga gamit niya para sa pupuntahan nila ni Ara mamaya.

*DING DONG*

Mika: Kim, may nagdodoorbell ata. Pakitingin nalang. *busy sa pag-aayos*

Kim: Sure.

Tumayo si Kim sa kinauupuan niya at dumiretso papunta sa may pintuan nang nasalubong niya si Cienne.

Cienne: Oh, san punta?

Kim: Doon sa pinto. May nagdoorbell daw eh.

Cienne: Ah, tara. Tignan natin kung sino.

Sabay pumunta sila Kim at Cienne patungo sa pintuan. Sinilip muna nila kung sino yung nagdoorbell..

Kim: Patay..

Cienne: Patay talaga.

Kim: Sabihin nalang natin sakaniyang wala dito si Mika.

Cienne: Oo, tama. Baka masira pa yung lakad nung dalawa pag hinayaan natin siya.

*DING DONG*

Mika: *sigaw mula sala* UY KIM! TAGAL MO NAMAN ATANG BUKSAN!?

Kim: ETO NA PO MADAM!!!

Binuksan na nila Kim yung pinto at agad namang bumungad sakanila si Pia. Ngiting-ngiti at halatang maraming dalang pagkain. 

Kim's POV: Dami-daming dala, eh para kay Mika lang naman.. Tsss.

Pia: HELLO!!! *wave* HELLO! CAMILLE! KIM!

Cienne: It's Cienne.

Pia: Ay, sorry. Cienne pala.  Hehe. *kamot sa ulo*

Cienne's POV: Ugh, bat ba imbyernang imbyerna ako dito!? Iba talaga aura eh! -_-

Kim: Ah eh, Hello. Pia..

Pia: Hello! Andiyan ba si Mika?

Hindi pa nakakasagot sila Kim eh agad-agad na siyang pumasok papunta sa loob. Mabilis naman siyang nahila ni Kim at Cienne.

Pia: Huh!? *tingin sa kamay nila Kim na nakahawak sakaniya* What's wrong?

Kim: Eh kasi—ano. Madumi dorm namin! Nakakahiya!

Pia: Naku! Okay lang yan noh!

Cienne: Eh Pia hindi kasi--!

Kinaladkad pabalik sa labas ng pinto nila Kim at Cienne si Pia. Takang-taka na si Pia sa pinaggagagawa nung dalawa.

Kim & Cienne: Wala si Mika dito!

Pia: Huh? Talaga? *silip sa loob* Baka mamaya tinatago niyo lang siya—

Kim: Eh Pia! Hindi nga!

Pia: Talaga?

Cienne: Ay ang kulit! -__-

If I FellMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon