Chapter 29 - I love you...goodbye.

6.5K 74 20
                                    

Dumiretso si Ara sa dorm at pumasok agad sa kwarto nila. Hindi niya pinansin sila Kim na todo tanong sakaniya kung ano ang nangyari dahil grabe ang pag-iyak neto. Sinarado nya yung pintuan at nagkulong doon. Naintindihan naman na nila na gusto niya munang mapag-isa.

Ara’s POV:

Napadapa ako sa kama ko at hinayaan nang bumuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag, halo-halo ang mga nararamdaman ko. Galit, inis, sakit, disappointment..lahat na. Galit ako, sobra. Pero hindi parin nito matatalo ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit.  Ang sakit sakit.

Hindi ko maipaliwanag. Paano niya nagawa saakin ‘to? Oo, buti sana kung si Pia ang nakita kong unang humalik. Pero hindi eh, si Mika ang nauna. Si Mika ang humila kay Pia. At hindi ko alam kung paano niya nagawa yon. Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ako lang? Akala ko wala lang si Pia?

Tinanong ko siya dati kung anong gagawin niya para maniwala akong ako lang ang mahal niya…sinagot niya yon ng halik para mawala yung doubts ko..

Pero, sapat pa rin ba yun? Sapat pa rin ba yun lalo na’t nakita ko siyang may kahalikang iba??

Lalo lang tuloy akong nagbreakdown.. Hindi ko na yata kaya.. Ang sakit sakit na..

Napatayo si Ara nang narinig nyang may pabukas ng pinto. Nakita niyang si Mika yun, halatang pareho silang gulat; pareho ring magang-maga ang mga mata nila kakaiyak kaya nung nakita nila ang isa’t isa ay napapunas sila. Pareho nilang ayaw ipakita na nasasaktan sila. Nagulat si Mika nang makita niya si Vic, hindi niya kasi inakala na andito lang pala ito. Pero kahit na ganon, eh nagpatuloy parin siya sa pagpasok at parang walang nakita. Hindi man lang niya tinignan si Ara. Parehong walang umiimik. Matapos mahanap ni Mika yung kung ano mang hinahanap niya eh lumapit sakaniya si Ara.

Nabigla naman si Mika kaya humarap ito sakaniya. Hinawakan ni Ara ang pisngi ni Mika pababa sa mga labi nito..

Ara: *hinawakan at pinunasan ang labi ni Mika*

Nagtataka naman si Mika sa ginagawa ni Ara kaya napataas ang kilay neto.. Pagkatapos gawin yon ni Ara ay napa-smirk siya.

Ara: Sa susunod, wag ka nang mag-iiwan ng ebidensya para hindi ka mahuli. *smirk uli*

Nagtataka pa rin si Mika hanggang sa nakita niyang may bahid ng lipstick yung thumb ni Ara. Doon palang ay nagets na nito ang ibig niyang sabihin…

Mika’s POV:

Nakita ni Ara yung halik. Kaya ba umiiyak siya ngayon? Bakit siya umiiyak?

Siya naman ang nauna.

Tsss. Labo.

Pinigilan ni Mika ang inis niya at binigyan lang ng malamig at galit na titig si Ara. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakaniya kaya naman napahakbang palikod si Vic..  Inilapit parin ni Mika ang mukha niya sa labi ni Vic at tumigil..

Mika: Ganon ba? Pasensya na. Hindi kasi ako kasing galing mong magtago..

Ara: *nagtataka* Anong pinagsasasabi mo?

Mika: Tsss. Aminin mo na, Vic. Wala ka nang dapat itago. Alam ko na.

Ara: Ano?! Ako pa ngayon ang aamin? Ha? Bakit di ikaw ang umamin ngayon? Na hinalikan mo si Pia?

Mika:

Ara: At wag na wag mong susubukang magdeny dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na ikaw ang nauna at nagsimula nung halik!!

If I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon