Chapter 36: Hindi na pwede.

3.2K 96 21
                                    

MONDAY AFTERNOON

Nagdadrive si Ara para maghanap ng restaurant na pagkakainan ng natigilan siya sa tapat ng isang hotel, nakita niya si Mika na nakatayo sa may entrance at halatang bagot na bagot at medyo basa na rin dahil nga malakas ang ulan. Hindi nagdalawang isip si Vic na itigil yung kotse niya sa harap ni Mika. Binaba niya yung window ng kotse nya para matawag niya si Mika.

Ara: Ye! Ye!

Napatingin agad si Mika sa tumatawag sakaniya at nagulat siya nang makita niyang si Ara ito.

Ara: Pumasok ka na dito! *bukas ng kabilang door* Basang basa ka na eh!

Tatanggi pa dapat si Mika pero masyadong mapilit si Vic kaya pumasok nalang ito. Hindi siya nagsalita. Natahimik siya dahil hindi niya ineexpect na makita niya si Ara.

Ara: Anong ginagawa mo dun sa hotel? Mag-isa?

Mika: Ah-eh, nagkainterview kasi ako doon. Katatapos lang.

Ara: Eh nasan manager mo?

Mika: Natraffic nga daw sila eh. Baha kasi sa pinanggalingan nila.

Ara: Ah. San ka na pupunta?

Mika: Uuwi na. Pagod na ako eh.

Nakaramdam ng disappointment si Ara. Yayayain pa naman sana niyang kumain sa labas si Mika. Tinuro ni Mika yung daan papunta sa condo niya, medyo malapit lang ito kaya naman 10 minutes palang ang nakakalipas ay nakarating na sila sa harap ng building ng condo niya.

Ara’s POV: Ay ano ba yan. Ang lapit naman. Nakakabitin. -_-

Mika: Una nako.

Bubuksan na sana ni Mika yung pintuan ng kotse nang pinigilan ni Ara yung kamay niya. Biglang nanigas si Mika nang maramdaman niyang nakahawak sakaniya si Ara kaya naman napalunok ito.

Ara: Teka lang. *may kinuha sa backseat* Oh, eto, payong. Magpayong ka.

Binitawan na ni Ara yung kamay ni Mika at inabot yung payong sakaniya.

Mika: Tha..thank you.

Lumabas na si Mika sa pintuan, isasara na niya sana ito nang magsalita ulit si Ara..

Ara:  Maligo ka na at magbihis agad. Naulanan ka baka magkasakit ka niyan. Kumain ka na ba? Pumapayat ka Miks. Baka pinapagod mo nang sobra sarili mo. Magpahinga ka naman. Mag-gamot ka na rin para di ka sipunin. Alagaan mo sarili mo.

Nagulat si Mika sa inaasta ni Ara. Ganong ganon kasi siya magsalita dati noong sila pa. Ayaw na ayaw niyang nagkakasakit si Mika. Kaya naman nanibago siya nang marinig niya yung mga yon kay Ara.

Mika: Vic, pwede ba. Stop acting like you care.

Ara: Nag-aalala ako sa’yo, Mika.

Mika: Talaga?  *sarcastic tone*

Ara: Oo.

 Mika: Don’t act like you care.  Because if you really do, hindi mo ako magagawang iwan. Hindi ka aalis nang wala man lang pasabi.

Hindi niya na hinintay na magsalita si Vic. Inilapag ni Mika yung payong sa upuan bago niya isinara yung pinto ng kotse ni Ara at naglakad na siya paalis.

If I FellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon